Paolo sa anak na si Keira: Ang arte-arte, tsaka gustung-gusto ring mag-artista! | Bandera

Paolo sa anak na si Keira: Ang arte-arte, tsaka gustung-gusto ring mag-artista!

Julie Bonifacio |August 31,2019
facebook
share this

Paolo sa anak na si Keira: Ang arte-arte, tsaka gustung-gusto ring mag-artista!

Julie Bonifacio - August 31, 2019 - 12:50 AM

PAOLO BALLESTEROS AT KEIRA

FOR the first time ay nag-guest si Paolo Ballesteros sa Tonight with Boy Abunda para sa promo ng latest movie niyang “The Panti Sisters.”

Ipinalista raw ang mga show ng ABS-CBN kung saan siya pwedeng mag-guest, pero TWBA lang daw ang naaprubahan.

“Isa lang ang naaprubahan, e. Depende kasi sa schedule. Sa show lang ni Tito Boy (Abunda) ang umokey,” lahad ni Paolo.

Kasama kasi sa tatlong producers ng “The Panti Sisters” ang Blacksheep na independent film arm ng Star Cinema. Producers din ang IdeaFirst Productions nina Direk Jun Lana at Perci Intalan, at ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.

Join na rin sa bandwagon ng mga Kapuso star na may movie sa ABS-CBN si Paolo gaya ng co-hosts niya sa Eat Bulaga na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nagkwento naman si Paolo sa TWBA tungkol sa kanyang 10-year old daughter na si Keira. Sa Baguio raw nag-aaral si Keira kasama ang ina ng bata. Pero kapag bakasyon ay nasa kanya ang anak.

Wala naman daw kasi silang problema ng nanay ng bata at naging magkaibigan pa rin sila.

“ Kapag nasa bahay sila, may room sila du’n. She can stay any time sa bahay,” sabi ni Paolo.

Napakaarte raw ng anak niya at gustung-gusto ring mag-artista, tsika ni Paolo kay Kuya Boy, “Walang tanong-tanong, gets na niya (pagiging beki). Ang bonding nga namin nanonood kami ng RuPaul’s (Drag Race),” say Paolo.

Siya rin daw ang nag-aayos kay Keira kapag may program sa school gaya ng nagdaang Linggo ng Wika “Kapag pasok niya ng school bonggang-bongga siya. Naka-false eye lashes na mahahabang ganun. Mine-makeupan ko, gustung-gusto naman niya,” natatawang sabi ni Paolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending