Janine Berdin sa bashers: Kasalanan ko bang naging ganito mukha ko!?
HINDI na nakatiis ang Tawag Ng Tanghalan champion na si Janine Berdin sa pambu-bully sa kanya ng ilang bashers sa social media.
Matagal na raw siyang nagtitimpi sa mga netizens na walang sawang nanglalait sa kanyang itsura, may iba pa nga na nagsabing wala raw siyang karapatang mapanood sa TV dahil sa mukha niya.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, inilabas ng Kapamilya singer ang kanyang sama ng loob sa mga taong walang ginawa kundi laitin at bastusin siya.
“Ayoko sanang sumagot, ayokong pumatol, pero sana masaya kayo sa mga pinaggagawa niyo. Kasi what else is there to gain from telling me I look like an ‘undin’?
“What else is there to gain when you tell me I have no right to sing because I’m not pretty enough except a laugh or two?
“I hope you understand this isn’t ok. Your words are powerful. More powerful than you know. Please re-evaluate what made you even THINK you have the right to do this to someone?” mahabang mensahe ni Janine.
Sa isa pa niyang post, humugot uli ang singer ng, “Tsaka last na. Mga ate, mga kuya, kasalanan ko ba naging ganito mukha ko?”
Samantala, nagpasalamat si Janine kay Hashtag Luke Conde matapos siyang ipagtanggol nito sa sarili niyang Instagram page.
“Alam ko kahit mag-post ako hndi niyo titigilang i-bash si Janine Berdin. BASHERS nga kayo. Kahit konti lang sana maisip niyo kung ano bang ginawang masama nung bata sa inyo para sabihan niyo siya ng masasakit na salita?
“Ako i-bash nyo kung gusto niyo, hindi ‘yung inosenteng bata na nagpapatuloy lang sa pag-abot niya ng mga pangarap niya!” pahayag ni Luke.
Ni-repost ito ni Janine sa kanyang IG account at nagpasalamat kay Luke sabay sabing, “I love you”. Nag-thank you rin siya sa lahat ng mga nagpahatid ng magagandang mensahe sa kanya, lalo na sa kanyang fans.
“Thank you to everyone who took the time to message me. Thank you sa encouragement and sa love na pina-feel and and pinapa-feel niyo.
“I know I could’ve turned the other cheek, but people to know how it isn’t normal and ok to tell other people foul things online just because they can. It’s not normal. It’s not ok. It’ll never be normal nor it will never be OK,” sabi pa ni Janine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.