Ina Feleo nabiktima ng dengue: Please pray for me
NABIKTIMA rin ng dengue ang Kapuso actress at The Better Woman star na si Ina Feleo. Huling siya ng dasal sa kanyang mga friends and supporters sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
“Positive for dengue. Pls pray for me. Pangtulong panlaban,” ayon sa FB status ng aktres.
Ang dengue fever ay mula sa kagat ng lamok na carrier ng virus. Ilan sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, pagsakit ng mga kasukasuan at kalamnan at skin rashes.
Ilan sa mga kaibigan ni Ina sa showbiz ang nagbigay ng suporta sa kanya, kabilang na sina Marco Alcaraz, Jerald Napoles, Rodjun Cruz at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.