Barbie kay JM: Goodluck sa concert niya! | Bandera

Barbie kay JM: Goodluck sa concert niya!

Reggee Bonoan - August 29, 2019 - 12:10 AM


SAGUTIN kaya bukas ni JM de Guzman sa nakatakdang mediacon ng seryeng Pamilya Ko ang sinabi ni Barbie Imperial na mas open siyang makatrabaho ang ex-boyfriend na si Paul Salas kaysa sa kanya?

Nabanggit din ng dalaga na nag-uusap na uli sila ni Paul na nasa GMA 7 na ngayon. Maayos naman daw kasi ang kanilang paghihiwalay.

Sa madaling salita hindi pa nagkakaroon ng closure o hindi pa nagkakausap sina JM at Barbie after nilang maghiwalay.

And to quote Barbie sa tanong kung sino ang mas gusto niyang makatrabaho – si JM o Paul? “Ha? Nablangko ako ro’n, ah? Okay naman ako both, pero siguro si Paul (kasi) nagkaayos kami talaga.”

Ibig sabihin hindi pa sila friends ulit n JM, “Ha?” ito lang ang nasagot ng aktres sabay tawa. Pero biglang bawi niya, “Tapos na po ‘yun!” sabi ng dalaga.

Matagal na naming kilala si JM bilang gentleman kaya hindi na siya nagsalita pa tungkol sa nangyari sa kanila ni Barbie at wala na rin naman siyang dapat ipaliwanag.

Nabanggit namin kay Barbie na may show si JM sa Zirkoh Morato ngayong Sabado, Agosto 31 kasama ang Dream Gays, Sexbomb New Generation, Wally Bayola at K Brosas na may titulong “Just Me.” Baka type niyang manood.

“Ah talaga? Magaling naman si JM, goodluck sa show niya,” sambit ng bagong leading lady ni Vhong Navarro sa pelikulang “Mang Kepweng, Hiwaga ng Bandang Itim” mula sa Cineko Productions directed by Topel Lee.

Going back to “Just Me” concert ni JM, mabibili ang tickets sa Zirkoh Morato o tumawag sa 0917-4398587. Show starts at 10 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending