Angel, Angelica, Iza diring-diri, sukang-suka kay Antonio Sanchez
NAG-VIRAL ang ipinost ng box-office director na si Antoinette Jadaone sa Instagram tungkol kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Mahaba at makabuluhan ang ipinost ni Direk Antoinette bilang reaksyon sa Facebook status ng nangangalang Desiree Carlos na dating Deskman sa isang newspaper.
Inisa-isa doon ni Desiree ang mga testimonya at medical reports na lumabas after matagpuan ang katawan ni Eileen Sarmenta at Allan Gomez. At doon inamin ng manunulat na nagkaroon siya ng panic at anxiety attack for the first time habang ginagawa ang istorya na pang-headline sa kanilang newspaper.
“Since then I have had to deal with anxiety attacks, I was diagnosed only a few years ago as suffering from post-traumatic stress disorder or PTSD. The TRIGGER or the detail that triggered my anxiety attack then: THE MEDICO-LEGAL REPORT SHOWED THAT THE SEMEN FOUND INSIDE EILEEN SARMENTA FILLED A CAN OF SARDINES,” bahagi ng FB post ni Desiree.
Sa ibabaw ng FB post ni Desiree ay ito ang may panghihikayat na mensahe si Direk Antoinette, “PLEASE TAKE TIME TO READ. NAMNAMIN. AT MAGALIT.”
Kaakibat ng post ni Direk ang paglalagay naman ng comment ng ilang sikat na celebrities sa pangunguna nina Angel Locsin at Angelica Panganiban.
Sabi ni Angel, “Naalala ko to. This is pure EVIL. Nakakanginig laman.”
Komento naman ni Angelica, “Naalala ko ang mukha ni Sanchez. Nasusuka ko.”
Sabi naman ni Iza Calzado, “KARIMARIMARIM.”
Ang iba pang nagbigay ng kanilang comment sa ipinost ni Direk Antoinette ay sina Sunshine Cruz, Bianca Gonzalez at direktor din na si Quark Henares.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.