NDRRMC naka-alerto kay 'Jenny' | Bandera

NDRRMC naka-alerto kay ‘Jenny’

John Roson - August 27, 2019 - 07:35 PM

ISINAILALIM  sa blue alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang operations center nito para sa pagtugon sa mga lugar na inaasahang dadaanan ng bagyong “Jenny.”

Inaasahan na unang tatama ang sentro ng bagyo sa Aurora, Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga, pero maaaring maapektuhan ng ulang dala nito ang ibang bahagi ng Central Luzon, Calabarzon, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Pangasinan, at Metro Manila, ayon sa NDRRMC.

Maaari ring dumanas ng mahina hanggang katamtaman at minsa’y malakas na ulan ang ibang bahagi ng Luzon, Western Visayas, Mindoro Island, hilagang bahagi ng Palawan, Zambales, at Bataan.

Dahil dito’y inabisuhan ng NDRRMC ang residente ng mga nabanggit na lugar na maghanda sa posibleng sakuna at makipag-ugnayan sa mga local disaster risk reduction and management unit.

Ayon pa sa ahensiya, aabot sa 1,428 barangay sa Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Bangsamoro ang may mataas na posibilidad na dumanas ng landslide dahil sa direkta o hindi direktang epekto ng bagyo.

Inabisuhan naman ng NDRRMC ang mga mandaragat, lalo na sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, at Bicol na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon at malakas na hangin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending