Ina ni Gerald nag-sorry: Anak, nasasaktan na si Mama | Bandera

Ina ni Gerald nag-sorry: Anak, nasasaktan na si Mama

Ervin Santiago |August 27,2019
facebook
share this

Ina ni Gerald nag-sorry: Anak, nasasaktan na si Mama

Ervin Santiago - August 27, 2019 - 01:05 AM

EVANGELINE OPSIMA AT GERALD ANDERSON

Nag-sorry si Mrs. Evangeline Opsima sa kanyang anak na si Gerald Anderson matapos magsalita laban kay Bea Alonzo.

Kung may kumampi sa nanay ng aktor dahil sa pagtatanggol nito sa anak, meron ding bumatikos sa kanya. Sana raw ay hindi na lang siya nagpa-interview dahil tahimik na sina Gerald at Bea.

Parang wrong timing na raw para sa ginang na maglabas pa ng kanyang saloobin sa issue dahil pahupa na nga ang kontrobersiya.

Pero nanindigan pa rin si Gng. Opsima dahil nasasaktan na raw siya sa mga masasamang salita na ibinabato sa kanyang anak. Kasabay nito, humingi rin siya ng paumanhin sa binata.

“I’m sorry RJ, I know you’re going to get mad to Mama. I think, son, it’s time to voice out anong naramdaman ko, saan nasasaktan si Mama,” aniya sa interview ng ABS-CBN sa General Santos City.

Nauna na niyang sinabi na sa simula pa lang ay hindi na siya boto kay Bea para kay Gerald pero tinanggap pa rin niya ang aktres dahil mahal siya ng kanyang anak.

“Bea, siguro alam mo na ako walang gusto sa ‘yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako.

“Ginusto ka ng anak ko, minahal ka ni Gerald. Hindi ka niya binastos kailanman,” aniya pa.

Nabanggit din ng ginang ang ex-boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo, “Hiniwalayan mo si Zanjoe. You didn’t say anything laban kay Zanjoe. Naghiwalay kayo na matagal kayong may relasyon na ilang taon.

“Dumating sa buhay mo si Gerald. Ngayon tuwing may mali ang anak ko, tuwing may nagawang mali si Gerald, agad kang lumantad sa TV. Niliit mo ang anak ko,” lahad pa ng nanay ni Gerald.

Dugtong pa niya, “Ngayon kung may problema kayong dalawa, bakit hindi kayo nag-uusap dalawa?

Instead na lumantad ka agad sa TV. Hindi masamang tao ang anak ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang sagot si Bea sa patutsada ng ina ni Gerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending