#Minalas: Shooting ng pelikula nina Cesar at Empress pinatigil | Bandera

#Minalas: Shooting ng pelikula nina Cesar at Empress pinatigil

Julie Bonifacio - August 27, 2019 - 12:35 AM

CESAR MONTANO AT EMPRESS SCHUCK

MABILIS na kumalat ang balitang natigil na ang shooting ng movie ni Cesar Montano with Empress Schuck.

Sakto at nagkaroon kami ng chance na makausap si Empress sa grand opening ng bagong branch ng refreshment business niya na King’s Cup sa Paragon, 3rd level ng SM Mall of Asia.

Ang balita namin, tuluyan nang nag-resign sa pelikula si Cesar, “Ah, hindi na? Wala na daw po,” balik-tanong ni Empress tungkol sa aktor.

Tinanong namin si Empress kung magagawa pa rin ang movie sa kabila ng mga pangyayari, “Hindi ko po alam,” aniya. “Kasi honestly, wala po silang in-update sa amim, sa part ko. So, hindi ko po alam.”

Samantala, sa kabila ng kabisihan niya sa kanyang career at sa baby nila ni Vino Guingona na si Athalia, nakatutok pa rin siya sa kanyang milk tea business.

Binuksan ni Empress at business partners niyang sina Andrei Lim at Chester Lusuan ang King’s Cup a few months ago.

“Hindi namin ini-expect na magiging ganito kabilis ang pagba-branch out namin. Medyo mabilis siya, as expected. Pero masaya naman dahil tuluy-tuloy yung paglago ng business,” say ni Empress.

Say naman ng business partner niyang si Andrei, “Paragon is the first concept dito sa Pilipinas like there’s food, shop. I think it’s Instagrammable. And I believe Instagrammable not just because yung hitsura lang but because of the value.

“We offer 16 karat gold and for the milk teat we don’t use any, of course those which are bad for the health. It compliments the nature, alam mo ‘yun? Siyempre, doon tayo sa the best,” aniya pa.

“Tuluy tuloy na ‘to, sa pagbi-business ko,” ngiti ni Empress. “Sana po talaga magtuluy-tuloy. Although, syempre hindi mo maiiwasan yung hirap, yung complications. Pero kahit saan ka naman magpunta laging merong ganoon na kasama. Pero nag-eenjoy akong pagsabayin yung career ko at yung pagbi-business ko.”

Pang-third branch na ang bagong bukas na King’s Cup sa Paragon.

Nagbukas sila ng second branch sa Baguio, third level ng Porta Vaga Mall (near UFC Taekwondo) noong first week ng August.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

On Sept. 1 naman, magbubukas naman ang kasunod nilang branch sa La Salle Taft.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending