Sue Ramirez, RK Bagatsing papasukin ang mundo ng mga prosti at callboy

By Ervin Santiago August 26,2019
share this

Sue Ramirez, RK Bagatsing papasukin ang mundo ng mga prosti at callboy

By Ervin Santiago August 26,2019
share this

BABAGUHIN nina Sue Ramirez at RK Bagatsing ang pananaw ng madlang pipol sa mga pokpok at callboy.

Ayon sa dalawang bida ng sex-romance movie na “Cuddle Weather” under Regal Films, mas maiintindihan ng publiko ang pagkatao at pamumuhay ng mga taong nagbebenta ng katawan – kung bakit at paano nila ito ginagawa.

“This is the most fearless role that I’ve taken on, matapang siya at walang kaarte-arte,” pahayag ni Sue sa nakaraang presscon ng Cuddle Weather. Gagampanan niya rito ang prostitute na si Adela Johnson.

Walang kiyeme sa mga laplapan at hubaran scene rito si Sue kaya siguradong masa-shock ang kanyang fans kapag napanood na nila ang movie.

Kasama niya rito ang palaban din sa hubaran at mga love scene na si RK. Isa ito sa mga official entry sa nalalapit nang 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino sa direksyon ni Rod Marmol.

In fairness, sa poster at teaser pa lang ng movie ay nag-init at na-curious na ang mga tao. Matapang nitong tatalakayin kung ano ba talaga ang nangyayari sa mundo ng mga pokpok at callboy.

“It’s a different side of me. It’s something that I’m afraid of, but kinagat ko and kapag nandon ka na, you’re gonna have that urge to do well at it. Kasi kapag may mga tinanggap akong bagay sa buhay ko, gusto ko fight ako talaga, as in,” chika pa ni Sue.

Kahit medyo liberated, inamin ni Sue na kinabahan pa rin siya sa mga intimate scenes nila ni RK. Pero sa simula lang yun dahil madali raw katrabaho ang aktor at inalalayan talaga siya sa kanilang sex escapades sa movie.

“Si RK is super gentleman. Hindi ako nakaramdam ng ilang. I feel safe around RK, so that’s a great partnership pag nagtatrabaho kayo. You have to be really comfortable. You have to feel safe with each other. Meron nga si Ram, his character, na shower scenes tapos pinapanood sya ng character ko,” lahad pa ng singer-actress.

Sa tanong mung hanggang saan ang kaya niyang gawin pagdating sa pagpapaka-daring, “As far as they need me and as far as Star Magic will allow me. But the character of the movie, maganda ang journey ni Adela Johnson.

“Mararamdaman ng mga makakapanood nito ang kilig at ang pagiging strong and ang weakness ni Adela, because sila din ay may marupok na puso,” aniya pa.

Tinanggap niya agad ang pelikula dahil bukod sa kasama ito sa 3rd PPP, na-in love agad siya sa kuwento.

“Aside from the fact na socially relevant ang story, it’s funny, it’s very witty, it’s not your typical hugot film, hindi lang huhugot, babaon pa sa inyong mga puso” pahayag pa ng dalaga.

Para naman kay RK, “Ito, masasabi ko na kakaiba sa ginagawa ko on television. Making a movie like Cuddle Weather, portaying a role as a sex worker, bagong experience, hindi palaging may ganito.”

Bilang preparasyon sa kanyang role “Nag-aral kami ng buhay nila (sex workers), paano sila magmahal sa kabila ng paghuhusga ng mga tao sa paligid nila. Nakausap namin ‘yung mga totoong tao at respeto ang maibibgay namin sa kanila. Ito din ‘yung gusto namin ipahatid sa mga tao.”

Ayon naman kay Direk Rod, “My first reason in making this film is to examine sex, its beauty and tragedy, through a love story of two sex workers who don’t make love until the latter part of the film.”

“Lastly, I believe that with the advent of dating apps and websites, the current generation is the most sexually-active. However, we remain to be the loneliest and least responsible.

“It is high time to scrutinize the inverse correlation of intimacy and happiness and there are no better characters to face that question than those who are experts at sex,” dagdag pa niya.

Showing na ang “Cuddle Weather” sa Sept. 13 produced by Regal Entertainment and line produced by Project 8 San Joaquin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending