Talakerang aktres tuluyan nang mawawasak ang career

By Cristy Fermin August 26,2019
share this

Talakerang aktres tuluyan nang mawawasak ang career

By Cristy Fermin August 26,2019
share this

DAHIL sa mga negatibong nagaganap sa kanyang karera ay aminado ang kampo ng isang kontrobersiyal na young actress na napag-iiwanan na siya ng kanyang mga kakontemporaryong teenstars.

Nalaglag siya sa kanyang magandang puwesto nu’ng maayos pa ang relasyon nila ng kanyang boyfriend sa harap at likod ng mga ca-mera.

Kuwento ng isang source na nakakaalam ng kuwento, “Grabe, puro nega ang natatangap na comments ng mismong nag-aalaga sa career niya! Puro haters, wala man lang nagtatanggol sa kanya!

“Kasi naman, instead na manahimik na lang siya, e, may pa-interview pa siya! Kuda pa siya nang kuda, kung anu-ano ang mga pinagsasasabi niya, samantalang inconsistent naman ang mga kuda niya!

“Natural, parang siya pa ang naghahamon, e, siya na nga itong negang-nega! At ang nakakaloka pa, e, hindi na siya sinasagot ng babaeng pinupuntirya niya!

“Bakit pa nga naman, e, isa siyang malaking waste of time! Bibigyan pa ba siya ng panahon ng girl na inaaway niya, samantalang kakampi na ng girl ang buong mundo!” unang chika ng aming impormante.

May kuwento pang i-naamo-amo ngayon ng kampo ng negang young actress ang kanyang ex. Kaila-ngan kuno nilang gawin ‘yun dahil kapag ipinareha na ang young actor sa ibang girl, si-guradong mawawalan na ng career ang negang young female personality, paano na nga naman siya?

Patuloy na chika ng a-ming impormante, “Kaya kita n’yo, maraming dramang inilalabas ang girl na kesyo mamahalin pa niya ang guy, kahit pa nag-break na sila. Kailangan niyang magkunwari, or else, waley na ang career niya!

“Kumikita l ang naman ang mga projects niya kapag katambal ang ex niya, di ba? ‘Yun bang movie nila ng hunk actor na naging dahilan ng kanegahan niya, e, kumita?

“Waley! Hindi ‘yun wagi, mabibilang ang mga tao sa sinehan nu’ng ipalabas ang movie nila, sa totoo lang! Kaya kailangan niya pa ring amuin ang ex niya na kunwari, e, nandiyan pa rin siya!

“Naku naman, young actress, tantanan mo na ang mga drama mo! Aling Pacing, matagal nang bulok ang saging!” pagtatapos ng aming source.

Wala nang clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, dahil kahit papikit, e, mahuhulaan n’yo na kung sino ang negang young actress na itey!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending