4 The Clash contestants sanib-pwersa para sa XOXO | Bandera

4 The Clash contestants sanib-pwersa para sa XOXO

|August 26,2019
facebook
share this

4 The Clash contestants sanib-pwersa para sa XOXO

- August 26, 2019 - 12:01 AM

BONGGA ang ginanap na launching ng GMA Network para sa newest girl group on the block na XOXO.

Nagpakitang-gilas sa harap ng entertainment media ang grupo na binubuo ng The Clash contenders na sina Muriel (Riel) Lomadilla, Melbelline (Mel) Caluag, Lyra (Lyra) Micolob at Danielle (Dani) Ozaraga.
In fairness, napa-wow talaga kami at ang iba pang members ng press nang mag-perform na on stage ang XOXO.

Ayon sa grupo, ang meaning ng XOXO ay, “hugs and kisses”. “Since friends po kami, naisip nila na gumawa ng grupo na mag-i-evoke ng friendship, sincerity, faith, love at women empowerment,” pahayag ni Riel na tubong-Cagayan de Oro at ang tinaguriang The Diva ng grupo.

Ayon naman sa composer at musical director na si Vincent de Jesus, isa sa mga guma-guide sa XOXO, ang British girl group na Little Mix ang peg ng mga girls.
“Siguro mas close siya sa Little Mix pero mas mature ang Little Mix. So early 20’s na Little Mix and at the same time, may mga kanta rin silang OPM from the 90’s pero updated na flavor ngayon,” kuwento ni Vincent.

Kering-keri ng XOXO ang OPM, Ballad, Pop, R&B at Broadway.

“Siyempre after po ng The Clash, hindi naman po kami perfect na singer, kailangan din po namin ng improvement or i-develop pa ‘yung talent namin.

“So ‘yung ibinigay na singing workshop ng GMA, nagkaroon po sila ng idea na bumuo ng girl group. So based on that, chosen po kami na makasama na bumuo ng girl group,” chika ni Lyra na siyang Tough Girl ng XOXO mula sa Davao.

Sa tanong kung ano ang pagkakaiba nila sa ibang girl group, unang sumagot ang Bulakenyang Sweet Girl ng XOXO na si Mel, “‘Yung different po ngayon, kasi iba-iba po ‘yung genre na nakasanayan namin. ‘Yung ngayon po, kailangan po naming maging isa lang po ngayon.”

Para naman kay Riel, “Over the course of the training po kasi we’ve learned how to be different in a way but still be united. We bring something different to the table but once we are united together, may harmony.”

“Kung sa bosesan lang po, iba-iba po kami ng mga genres, so ‘pag pinagsabay-sabay po kami, mas buo po ‘yung make-create na sound,” ang sey naman ng proud Cebuanang si Dani, the group’s Fierce and Sexy.

Bago pa mabuo ang grupo, Broadway at OPM na ang background ni Mel. Peg naman ni Lyra ang R&B Soul tulad ng mga singers na si Mary J. Blige at Alicia Keys.

R&B naman ang background ni Riel at idolo si Be-yonce. Malaki naman aniya ang impluwensiya ni Mariah Carey kay Dani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa GMA Music, nakatakda nang maglabas ng dalawang single ang XOXO very soon. Pinag-usapan din sa social media ang paghataw nila last Saturday sa Studio 7.

Get ready for lots of love and kisses plus loads of talent! Follow them on Instagram and Twitter (@xoxo_gma) and Facebook (www.facebook.com/XOXOGMA) at gamitin ang #XOXO sa inyong mga post about the group.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending