Bianca sa paglaya ni Sanchez: Mas deserving bigyan ng 2nd chance ang nagnakaw ng cellphone | Bandera

Bianca sa paglaya ni Sanchez: Mas deserving bigyan ng 2nd chance ang nagnakaw ng cellphone

Jun Nardo - August 23, 2019 - 12:50 AM

BIANCA GONZALEZ AT ANTONIO SANCHEZ

HINDI pa nga nareresolba ang kontrobersya tungkol sa transwoman na si Gretchen Diez at sa pagsasabatas ng SOGIE Bill, may bagong issue na namang pinagpipiyestahan ang bayan.

Hati ang saloobin ng taumbayan sa sa balitang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Convicted sa kasong rape at murder si Sanchez nu’ng 1993 pero matapos ang dalawang dekada ay palalayain na ang dating alkalde dahil sa umano’y good behavior na ipinakita nito habang nasa kulungan.

Hindi lang ang nanay ng biktima na si Eileen Sarmenta ang pumalag sa paglaya ni Sanchez, may ilang senador ding umalma rito at sa mga showbiz celebrities, isa si Bianca Gonzalez sa nagpahayag ng kanyang saloobin about this.
“Mas madami namang ibang deserving ng second chance…yung nagnakaw ng cellphone o delata para may pankain ng pamilya niya…maraming kasong ganun sa kulungan.
“Di hamak na mas deserving sa second chance kumpara sap riven guilty na rapist at killer,” unang tweet ni Bianca.
Kaya naman nanawagan ang TV host na pirmahan ang isang petisyon para mapigil ang paglaya ni ex-Mayor Sanchez na naka-post sa change.org.

Sa petisyon, nakasaad ang Stop The Release of Mayor Antonio Sanchez; Let Him Serve His Seven Life Sentences. Ipinaglalaban din ng mga taong nasa likod ng petisyon ang hustisya para sa mga naging biktima ng dating mayor.

As of this writing, mahigit 18,000 na ang pumirma sa petisyon. Target ng organisasyon na makakuha ng 25,000 signature mula sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending