Bakbakang Team Miguel-Team Migo sa Sahaya mas titindi pa; sino kaya ang pipiliin ni Bianca? | Bandera

Bakbakang Team Miguel-Team Migo sa Sahaya mas titindi pa; sino kaya ang pipiliin ni Bianca?

Bandera |August 23,2019
facebook
share this

Bakbakang Team Miguel-Team Migo sa Sahaya mas titindi pa; sino kaya ang pipiliin ni Bianca?

Bandera - August 23, 2019 - 12:20 AM

MIGO ADECER, BIANCA UMALI AT MIGUEL TANFELIX

SIGURADONG mabubuhay muli ang patalbugan ng Team Jordan at Team Ahmad sa pagpapatuloy ng kuwento ng laging trending at pinag-uusapang Kapuso series na Sahaya.

Sa napanood naming episode nitong nakaraang araw, mukhang mas titindi pa ang patalbugan nina Ahmad (Miguel Tanfelix) at Jordan (Migo Adecer) para makuha ang matamis na “oo” ni Sahaya (Binca Unmali).

Aakyat sana ng ligaw si Ahmad kay Sahaya with matching flowers pa pero pagdating niya sa tinutuluyang bahay ng dalaga ay nakita niya si Jordan na bumisita at nagbigay din ng bulaklak.

Siyempre, inatake na naman ng selos si Ahmad at tila nawalan na naman ng pag-asa na mapasagot si Sahaya at maging official na ang status ng kanilang relationship. Pero dahil na rin sa kanyang pagmamahal sa dalaga, hindi siya magpapatalo kay Jordan at handang gawin ang lahat para maging sila na.

Kahit na ilang beses na kasi siyang sinaktan ni Sahaya hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa dalaga. Ano nga kaya ang mga susunod na paandar ni Ahmad para siya ang piliin ni Sahaya at hindi si Jordan?

Samantala, tuloy pa rin ang kasamaan nina Irene (Ana Roces) at Salida (Snooky Serna), muling magsasanib-pwersa ang dalawa para siguruhing walang mamanahin si Sahaya mula sa ama nitong si Harold (Zoren Legaspi).

Hindi sila titigil hangga’t hindi gumagapang sa lupa ang mag-inang Sahaya at Manisan (Mylene Dizon). Ito na nga ba ang tamang panahon para kumilos si Manisan at ipaglaban ang karapatan ng anak? Ano ang gagawin ina Irene at Salida sakaling matuto nang lumaban si Manisan? ‘Yan ang dapat n’yong tutukan.

Bukod dito, hindi n’yo rin kakayanin ang karmang naghihintay kay Hubert (Eric Quizon). Simula pa lang ang pagkakaroon niya ng mga sugat sa katawan na susundan pa ng kung anu-anong uri ng sakit sa balat.

Ano ang dapat gawin ni Hubert para matakasan ang sumpa sa kanya.

Abangan lahat ‘yan sa mga susunod na episode ng Sahaya na napapanood pa rin mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad after 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending