HELLO Ateng. Patulungan naman ako sa aking magiging desisyon. Matagal na po ako dito sa Maynila at namamasukan sa isang pabrika. Taga-Davao po ako.
Umalis po ako sa amin kasi nape-pressure ako sa tatay ko.
Pero may natanggap po akong balita na may malala raw sakit ang tatay ko kaya gusto ko nang umuwi.
Ang kaso ay nahihiya po ako sa pamilya ko kung uuwi ako na wala man lang akong magandang balitang dala.
Umalis ako sa amin kasi pinipilit akong pag-aralin ng tatay ko sa kursong di ko gusto. Akala ko rito sa Maynila matutustusan ko sarili kong pag-aral, pero ayun nauwi lang sa pagiging factory worker. Anong gagawin ko?
– Mina
Magandang araw sa iyo, Mina.
Well, mamili ka kung hiya ang paiiralin mo o ang pagkakataon na muli mong makita at makausap ang tatay mo?
Nakakahiya talaga kasi ikaw na pinapag-aral, ayaw mo pa. Napakaraming kabataan diyan na gustong-gustong makapag-aral at gagawin ang lahat ng paraan para makapag-aral pero walang oportunidad, samantalang ikaw andiyan na, tinanggihan mo dahil lang sa napi-pressure ka.
On the other hand, wala namang masama sa pagiging factory worker. Napakarami nating readers na ganyan ang trabaho pero may mga paninindigan, may tiwala sa sarili at mabubuting tao.
Ang nakakahanga rin naman sa iyo ay nagsisikap ka at nakakatayo sa sarili mong paa at produktibong mamamayan, kesa naman ipariwara mo pa ang katawan mo at buhay mo.
So kung ano man ang sitwasyon mo ngayon, kung sa palagay mo mababa ka kesa sa inaasahan nila, siguro nga panahon nang umuwi at harapin ang expectation mo at katotohanan nila. Baka kasi expectation mo na mababa ang tingin nila sa ‘yo, galit sila sa iyo, nakakahiya ka o ikinahihiya ka nila. Pero baka expectations mo lang ‘yun, wala namang basehang katotohanan ‘yun sa iba.
Baka kasi sa kanila hind naman mahalaga na factory worker ka “lang,” baka naman mas mahalaga sa kanila ang umuwi ka at makita ka nila at makatulong ka sa pagpapagaling sa tatay mong may sakit.
Baka naman all this time alam naman nila ang sitwasyon at kinalalagyan mo pero hinayaan ka lang nila di ba?
Anu’t ano man, pamilya pa rin kayo. Hindi man kayo agree sa kinalalagyan at sitwasyon ng bawat isa, walang choice kundi tanggapin na lang di ba? Ganun ang pamilya – walang choice – I mean, nagkaka intindihan.
So again, ano ba ang mas mahalaga sa iyo, ‘yung kahihiyan mo o makipag ayos ka sa pamilya mo at makatulong sa pagpapagaling sa papa mo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.