Coach Leo, the Miracle Man | Bandera

Coach Leo, the Miracle Man

Dennis Eroa - August 21, 2019 - 12:15 AM

L – Leadership
E – Energy
O – Outstanding
V – Virtous
I – Integrity
N – Non-combative
O – Openness

A – Achiever
U – Unbowed
S – Steadfast
T – Truthful
R – Respectful
I – Inspirational
A – Accomplished

ILAN lamang ito sa mga katangian ni coach Leo Austria.
Isama mo pa sa listahan ang pagiging passionate niya sa kanyang trabaho. Bukas rin palagi ang komunikasyon ni Leo sa kanyang mga manlalaro at coaching staff.
Habang nagkakagulo na at umuusok ang tensyon sa mga krusyal na bahagi ng sagupaan, maayos pa rin at plantsado ang bigote ng Quezon-pride bagamat paminsan-minsan ay kumukunot ang noo nito.
Chillax lang lagi si Coach Leo.
Ang resulta: Matapos umani ng katakot-takot na puna dahil sa masamang simula ay nagawa pa ring sungkitin ng San Miguel Beer ang PBA Commissioner’s Cup title laban sa mas liyamadong TNT KaTropa.
Nag-kampeon din ang Beermen sa nakalipas na Philippine Cup kaya isang korona na lang sa Governors Cup ay makapagtatala na ng Grand Slam ang San Miguel sa season na ito.
Sa kabuuan ay may walong kampeonato na sa PBA si Coach Leo na pinatunayang muli ang kasabihang ‘‘Action speaks louder than words.’’
Tingnan niyo ito.
Seventh seed ang Beermen sa pagtatapos ng elims habang No. 1 seed naman ang KaTropa na tila ba ‘’invinsible’’ sa torneyong ito dahil sa import nitong si Terrence Jones, na isang legitimate NBA star player.
Nagkaroon rin ng panibagong sigla sa Commissioner’s Cup sina Jason Castro, Roger Pogoy, Don Trollano at Troy Rosario para sa TNT.
Hindi ba’t tila mga lasing na bumagsak ang Beermen sa unang laro ng best-of-seven title series.
Ayon sa mga nagkukunyaring mga eksperto ng basketbol, masama ang coaching ni Austria. At ito naman ay expected. Hindi ba’t tuwing mananalo ang isang koponan ay bida lagi ang mga manlalaro at hindi ang coach ng team.
Kung matatalo naman ay lahat ng sisi ay ibabagsak kay coach.
Ngunit ibang klase si Coach Leo. Hindi siya nagpapa-apekto sa mga “bashers” bagkus ay nagsilbing hamon pa sa kanya ang mga puna ng mga miron.
At siyempre pa alam na natin ang resulta. Tagumpay ang SMB sa katatapos na torneyo at napagtibay pa nito ang kredensyal bilang numero unong koponan sa PBA ngayon.
Iba talaga si Leo.
Nakaukit na sa kasaysayan ang ‘‘Beeracle’’ na ginawa niya kontra Alaska noong 2016 PBA Philippine Cup kung saan nabaon sa 0-3 ang Beermen sa Finals pero nanalo pa rin, 4-3.
Noong nahulog sa 2-5 karatada ang SMB sa simula ng torneyo ay hindi ako kinabahan. Dahil sa masamang simula ng Beermen na kailangan nilang tsugiin si Charles Rhodes at hugutin si Chris McCullough na tulad ni Jones ay beterano rin ng NBA.
Lumaro si McCullough sa Brooklyn Nets samantalang sa Houston Rockets naman si Jones na napiling Best Import ng Commissioner’s Cup.
Malakas ang lineup ng San Miguel Beer ngunit ang pagdating ni Jones ay malaking hamon kay Austria. Isa pa, walang kapantay si June Mar Fajardo sa All-Filipino ngunit hindi dominante ang Bisdak (Bisayang Dako) sa import-flavored conference.
Dito nakita ang kalibre ni Coach Leo.

Napakahusay ng kanyang balasa ng manpower na nagdulot ng kalituhan sa panig ng TNT. Palaging sinasabi ni Leo na kailangang pumaloob sa kanyang sistema ang mga manlalaro na siguradong darating ang pagkakataon upang magpasiklab sa liga.
Wala naman kasing superstar system si Leo sa San Miguel. Tulong-tulong lahat at isa sa ehemplo itong si Terrence Romeo.
Salamat sa kultura ng SMB, dalawang beses ng kampeon at napili pang Finals MVP si Romeo na alam ng lahat na may ‘‘attitude problem’’ noong hindi pa sumusugal sa kanya ang manedsment ng San Miguel.
Tumino si Romeo at niyakap niya ang kanyang role sa koponan. Hindi puwedeng suwapang sa bola kapag ikaw ay naglalaro kay Coach Leo.
Teamwork is the key to the success at buhay na buhay ang career ni Terrence sa ilalim ni Leo.
Ibang klase ang laro nina June Mar, Alex at Chris Ross ngunit iba ang estilong Leo.
Isipin mong napiga niya na lumabas ang galing nina Von Pessumal at Chris Standhardinger na pinahirapan si Jones sa serye.
Hindi niya sinasabi (walang yabang si Leo) ngunit alam kong pangarap ni Leo ang Grand Slam upang samahan sa “elite list” sina Baby Dalupan (1976, Crispa); Tommy Manotoc (1983, Crispa); Norman Black (1989, San Miguel Beer); at Tim Cone (1996, Alaska; 2013, San Mig Coffee).
Totoo si Leo. Huwag kayong magulat!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending