Kris Bernal nabiktima ng multo sa taping: Natatakot na ako sa role ko, pa-devil na... | Bandera

Kris Bernal nabiktima ng multo sa taping: Natatakot na ako sa role ko, pa-devil na…

Bandera |August 20,2019
facebook
share this

Kris Bernal nabiktima ng multo sa taping: Natatakot na ako sa role ko, pa-devil na…

Bandera - August 20, 2019 - 12:15 AM

KRIS BERNAL

NATATAKOT na rin si Kris Bernal sa pasama nang pasamang karakter niya sa afternoon horror-suspense series ng GMA 7 na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Mula raw nang gawin ng Kapuso actress ang serye ay nakakaramdam na rin siya ng mga ligaw ng kaluluwa o ispiritu, lalo na sa haunted house at dating ospital kung saan kinukunan ang kanyang mga eksena.

Ginagampanan niya ang karakter ni Naomi, ang multong bumangon mula sa hukay para paghigantihan ang mga taong pinaniniwalaan niyang nangloko sa kanya. Siya ang babaeng nagpakamatay matapos iwan ng ex-boyfriend niyang si Matteo (Rayver Cruz) at ipinagpalit kay Yvie (Megan Young).

Sa isang panayam, natanong si Kris kung nakakaramdam na rin ba siya ng multo sa taping ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na talagang tinututukan ngayon ng Kapuso viewers.
Pag-amin ng aktres, “Sa bahay na malaki, ‘yung ancestral house, wala naman pero super old house na talaga siya.

“May time na nag-shoot kami sa hospital, recently lang, this week lang, may nagpaparamdam talaga.

“Gumagalaw ‘yung mga pinto, ‘yung ilaw nagfi-flicker. ‘Yung hospital na rin kasi na iyon, luma na,” pahayag ng dalaga.

Sey pa ni Kris, natatakot na rin daw siya sa pagganap bilang Naomi dahil mas lalo pa itong sumasama.

“Nagpo-progress kasi ‘yung character na pa-devil na talaga, pa-evil ka na talaga. Ang hirap niya isapuso kasi ang lalim,” aniya.

Sa pagpapatuloy nga ng HSDNBK, nagpakita na si Naomi kay Yvie at binantaan na niya ito na papatayin para masolo na niya si Matteo.

Pero siyempre, hindi magpapatalo ang asawa ni Matteo at gagawin niya ang lahat para maibalik sa kanyang libingan. Napapanood pa rin ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, Monday to Saturday sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending