Maja sinira ang pangako sa sarili, na-in love uli sa ex-dyowa: Sana siya na ang ‘The One’
PALAGING ipinagdarasal ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez na sana ang kanyang “the one” at ka-forever.
Inamin ng Kapamilya actress na sinira niya ang pangako sa sarili na never siyang makikipagbalikan sa kanyang mga naging boyfriend.
At hindi naman daw siya nagsisisi na binigyan niya ng second chance si Rambo. Napaiyak si Maja nang magpasalamat sa suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng boyfriend.
“Sabi ko nga yung mga past relationships ko parang may mga paghihirap, pati yung sa mommy ko, may ayaw. Eto pinagpe-pray ko na sana ito na. Kasi maliban sa mahal ko si Rambo, sobrang mahal ko rin yung family niya,” chika ng dalaga nang mag-guest siya sa Magandang Buhay.
Ayon pa sa tinaguriang Dance Diva, super happy siya dahil maganda ang relasyon niya sa pamilya ni Rambo at botong-boto rin ang kanyang nanay sa binata.
“Alam naman ni Rambo na kung nine years ago na-sacrifice ko yung love namin, but this time sabi ko ‘Buti nandito na ko sa…kaya kong i-balance.’ Kasi maliban sa love na binibigay niya, I’m so happy and grateful sa love na ibinibigay ng family niya.
“Parang kung ano yung mga pinagkait na pagmamahal sa akin before, pinupuno ng family nila. Na pwede pala yon, pwede palang hindi lang isang tao ang magbibigay sa ‘yo noon. Na yung pinipili mong maging partner sa buhay, yung pamilya nila, magiging pamilya mo talaga,” naiiyak pang lahad ni Maja.
Kung matatandaan, nag-break ang magdyowa nine years ago at tumagal lang ng tatlong buwan ang kanilang relasyon. At nu’ng mag-reconnect nga sila muli, na-realize nilang mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa.
May promise namang binitawan si Maja para kay Rambo, “Lagi akong nagte-thank you sa kanya, kasi ang dami niyang adjustments para sa akin. Kasi mahal niya talaga ako. So ako I’m willing to adjust also. I’m willing to adjust everything para this time yung love naman namin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.