True ba, Morissette sinaktan ng tatay kaya naglayas; itinigil na ang sustento sa pamilya?

By Reggee Bonoan August 19,2019
share this

True ba, Morissette sinaktan ng tatay kaya naglayas; itinigil na ang sustento sa pamilya?

By Reggee Bonoan August 19,2019
share this

BASAG na basag ngayon sa publiko ang singer na si Morissette Amon matapos ang sunud-sunod na post ng kanyang tatay sa social media.

Maraming nagulat sa mga naging pahayag ng tatay ni Morissette na si Amay Amon sa pamamagitan ng Twitter. Tanong nila kung paano raw nitong nagawang siraan ang sariling anak?

Ayon kay G. Amon, iniwan ni Morissette ang kanyang pamilya at sumama raw sa boyfriend nitong si Dave Lamar na isa ring musikero.

Nakatanggap kami ng tawag mula sa isang taong nagmamalasakit kay Morissette (o Mowie sa kanyang mga kaibigan) para ikuwento sa amin ang tunay na pangyayari.

“’Yung tatay ni Morissette ang may problema kasi the brother and the mom of Morissette naman were okay. Ang tunay na isyu, hindi matanggap nu’ng tatay na boyfriend ni Mowie si Dave Lamar kasi hindi sikat!” bu-ngad sa amin ng taong ayaw ipabanggit ang pangalan.

Pagpapatuloy pa nitong kuwento, “’Yung tatay ni Morissette, hindi sila magkasundo kasi nu’ng time na hindi pa siya sikat like nu’ng sumasali-sali pa lang siya sa mga amateur singing contest, wala naman yan, iniwan silang mag-iina.

“Tapos bumalik na lang nu’ng nakikilala na si Mowie sa ABS-CBN. Kaya sa tuwing may event, nasa picture na lagi ‘yang tatay.

“Lahat ng lakad ni Morissette sa ibang bansa isinasama niya family niya. Sariling pera ni Morissette ang pamasahe nila kasi hindi naman sila kasama sa entourage.

“I-check mo ang Instagram account ng tatay ni Morissette @Amay_Amon, kita mo mukhang binata, di ba? Kasi buhay binata. Lahat ng kailangan niya hinihingi sa anak, mahilig mag-motor at sasakyan ni Morissette ang ginagamit pag may mga personal siyang lakad,” kuwento pa ng aming source.

Totoong umalis na raw sa bahay nila si Morissette pero hindi para makipag-live in kay Dave. Nakatira ngayon ang singer kay Audie Gemora, isa sa nagtayo ng Stages kung saan nakakontrata ang dalaga.

Si Audie ngayon ang guardian ng Kapamilya singer simula nu’ng umalis siya sa bahay nila.

At ito ang ikinagagalit ng kanyang ama dahil pinutol na ng dalaga ang pagbibigay niya ng sustento sa pamilya niya base sa kuwento ng a-ming source

“Lahat ng naipon at naipundar ni Morissette iniwan niya lahat sa magulang niya, kung hindi ako nagkakamali, close to P40 million ang cash at nagpapagawa sila ng bahay.
“Siguro naman kasya na ‘yung perang iniwan sa pagpapagawa ng bahay nila dahil simple lang naman yun. Malaking halaga na nga yun kung tutuusin.

“Sa totoo lang, parang nagsisimula ulit mag-ipon si Morissette, good thing marami siyang gig, marami siyang invitations sa ibang bansa,” pahayag ng aming kausap.

Dagdag pa niya, “Sana ‘yung tatay ni Morissette, nag-isip-isip muna bago magsalita ng kung anu-ano kasi baka balikan siya sa mga pinagsasabi niya. Tsaka anak niya yun, at ang dami ng tulong na naibigay sa kanila.

“Mabait si Morissette, maalaga sa magulang, pero ‘yung tatay sinisira lahat kasi walang alam kundi umasa sa anak. Wala namang work ang tatay, pero kung makaasta, di ba?” kuwento pa ng aming source.

Tinanong namin kung away mag-ama lang ito, hindi naman siguro aabot sa paglalayas ni Morissette ma-liban na lang kung talagang nasasaktan na siya sa nangyayari.

“Ang alam ko pinagbuhatan ni Amay si Mowie,” ayon sa aming kausap.

Ayaw daw magsalita o magpa-interbyu ni Morissette dahil nirerespeto pa rin niya ang kanyang tatay at gusto na lang niyang manahimik at magtrabaho. Naniniwala naman ang dalagang singer na maaayos din ito kapag hindi na siya nagsalita.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni G. Amay Amon pati na rin ni Morissette dahil siguradong naghihintay din ang kanyang fans kung ano ang saloobin niya ngayon sa kanyang tatay.

Umaasa rin kami na magkakaayos ang mag-ama sa tamang panahon at sana’y magkausap na lang sila nang pribado para na rin sa proteksyon ng kanilang pamilya at hindi na pagpistahan ng publiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending