Nadine binatikos matapos tawaging ‘Beyonce of Southeast Asia’
“BEYONCE of Southeast Asia”.
‘Yan ang tawag sa starlet of intergalactic proportion kay Nadine Lustre ng Korea Duty Free News.
Shookt si Nadine, but of course, with her new moniker.
“Beyonce? Totoo po ba ‘yun? Parang ‘di lang po ako makapaniwala. Hindi ko po alam kung paano po nangyari ‘yun basta nabalitaan ko na lang po na may ganu’n,” say ng dalaga.
Maging ang netizens ay pumalag sa bagong tag ni Nadine. They felt it wasn’t well-deserve. Wala kasi siya sa kalingkingan ni Beyonce.
“Wow ang layu, yung boses mala Beyonce ba, or maganda ba boses nya, sa pagsayaw, hindi rin.”
“Tang ***na cno bang nagbansag sa kanya ng ganyan ang layu. mahiya naman kayo kay Sarah Geronimo or Vina Morales.”
“Jusmiyo mas bagay pa si VINA MORALES na ma-tag na J.LO ng Pilipinas.”
Ipinagtanggol naman si Nadine ng isang fan who said, “Guys tinag lang si Nadine. Let us not condemn her. Parang Steve Harvey lang ‘yan with Pia Wurtzbach.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.