Problema sa trapik may solusyon pa ba? | Bandera

Problema sa trapik may solusyon pa ba?

Bella Cariaso - August 18, 2019 - 12:15 AM

SA mga nakalipas na mga araw, nararanasan sa Metro Manila ang napakabigat na trapik, na ayon mismo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay maikukumpara sa sitwasyon tuwing kapaskuhan.
Mismong ang Palasyo na rin ang umamin na dahil deka-dekada na ang problema sa trapik, partikular sa Edsa, kailangang magtiis muna ang publiko at hayaan ang MMDA na gawin ang trabaho nito.
Ito’y sa harap naman ng mga pagbatikos sa provincial bus ban na nais ipatupad ng MMDA.
Kamakailan ay pinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad
nito.
Nagsasagawa rin ang Kongreso kaugnay ng provincial bus ban matapos naman itong tuligsain ng iba’t ibang grupo.
Sa harap naman ng mga batikos sa MMDA, iginiit ng Palasyo na dapat ay hayaan ang MMDA na gawin ang trabaho
nito.
Isinisi pa rin ng MMDA ang nararanasang trapik sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga sasakyan.
Umaray si MMDA spokesperson Celine Pialago sa mga alegasyon na hindi epektibo ang ginagawang aksyon ng MMDA para masolusyunan ang trapik kumpara sa mga nakaraang administrasyon.
Iginiit ni Pialago na mula sa dating 200,000 bilang ng mga sasakyan sa Edsa araw-araw, ito ay umabot na ng 386,000 to 402,000.
Idinagdag ni Pialago na tinatayang 10,000 sasakyan ang nadaragdag buwan-buwan.
Sinabi pa ni Pialago na aabot lamang sa 235,000 sasakyan ang kapasidad ng Edsa.
Sa harap naman ng pagkabigo ng MMDA na masolusyunan ang krisis sa trapik, tanging pagtitiis ang kayang gawin ng mga pasahero at motorista sa araw-araw na kalbaryo dahil sa trapik.
Tanging magagawa lamang ng publiko ay umasa na masosolusyunan pa rin ang problema sa trapik at maipapatupad ang pangmatagalang solusyon sa problema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending