Ethel Booba binanatan sa ‘transgender CR’, ‘retokadang mukha’ dinamay ng netizen
MAY mga pabor ngunit marami rin ang kumontra sa suggestion ni Ethel Booba na magkaroon ng sariling comfort room ang mga members ng LGBTQ+ community.
Ito’y matapos ngang maging national issue ang ginawang pag-aresto sa transwoman na si Gretchen Diez sa isang shopping mall sa Quezon City.
Matatandaang hiniya at kinaladkad si Diez na parang kriminal ng isang janitress ng mall matapos siyang pigilang gumamit ng ladies restroom, base sa viral video sa social media na kuha mismo ng transwoman.
Bukod kina Vice Ganda, Heart Evangelista, Catriona Gray at Pia Wurtzbach, nagbigay din ng komento at suhestiyon si Ethel Booba para hindi na maulit pa ang nangyaring diskriminasyon kay Diez. Sey ng komedyana, baka pwedeng bigyan ng sariling CR ang nga beki at lesbian dahil aniya, naiilang din kasi ang mga lalaki kapag may transwoman na pumasok sa mens restroom.
“Karamihan ng straight na lalaki naiilang sa CR kapag pumasok ang transwoman.
“Uncomfortable din sa mga transwoman na mag CR na tinitingnan sila ng mga naiilang na lalaki.
“Kaya tama lang na gawan ng sariling CR ang mga beki at tibum basta walang glory hole. Charot!” tweet ni Ethel.
Kung may sumang-ayon sa kanya, meron ding bumatikos dahil parang ginawa raw niyang “basura” ang mga LGBTQ members na kailangang i-segregate. Ang kailangan lang daw dito ay acceptance at respeto.
Sagot naman sa kanila ni Ethel, “Acceptance is the main solution but we cannot force people to change it over night.
“Kulang ang ilang taon dahil di lahat open minded. Since nasa transition pa lang yung society natin ng acceptance pwede din yang solution for the meantime. Charot!”
May isang netizen naman ang nagsabing, “Isipin mo na lang Ethel na bago ka magparetoke, nandun ka sa grupo ng mga taong kulang sa kumpiyansa, and what you just want ay mapabilang sa mga taong confident sa sarili nila so nagparetoke ka dahil yun lang ang way mo to boost your confidence.”
Ito naman ang reply ng sexy comedienne, “This is different case gurl coz I didn’t force anything on anyone.
“Yes, I surgically overhaul myself and that’s it. It’s still up to others whether they accept me or not. Charot!”
Sa isang interview noon, inamin ni Ethel na may ipinagawa siya sa kanyang mukha, kabilang na ang pisngi at ilong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.