SUMAMPA na sa 177.12 metro ang lebel ng tubig sa Angat dam ngayon ng umaga.
Umakyat ito ng 0.40 metro mula sa lebel na 176.72 metro noong Huwebes ng umaga. Ang Normal High Water Level ng Angat ay 210 metro at ang normal operating level nito ay 180 metro.
Tumaas din ang tubig sa La Mesa dam na nasa 76.72 metro kahapon ng umaga. Noong Huwebes ang lebel nito ay 76.71 metro. Ang NHWL nito ay 80.15 metro.
Ang dalawang dam ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending