Kathryn, Alden pinagbawalang pumunta uli sa HK, pero screening ng 'HLG' tuloy | Bandera

Kathryn, Alden pinagbawalang pumunta uli sa HK, pero screening ng ‘HLG’ tuloy

Jun Nardo - August 15, 2019 - 12:20 AM


NILINAW ng Star Cinema ang balita tungkol sa naka-schedule na screening sa Hong Kong ng Kathryn Bernardo-Alden Richards movie, ang “Hello, Love, Goodbye.”

Sa tweet ni MJ Felipe ng news program na Bandila, tuloy ang screening ng blockbuster movie ng KathDen ngayong Aug. 18 and 25.

Ang kanselado lang ay ang pagdalo nina Kath at Alden pati na ang ibang cast sa gaganaping special screening doon.

Security ang rason kaya hindi na makakapunta sa HK ang cast ng pelikulang idinirek ni Cathy Molina. Ang patuloy na protesta sa Hong Kong ang naging balakid kaya nabago ang plano.

Sa isang interview kay Alden, sinabi nitong nalungkot siya sa nangyari. Wala nga lang siyang choice kungdi ang sumunod sa payo ng Star Cinema.

Sa ngayon, kaliwa’t kanan ang kanselasyon ng halos lahat ng flights patungo sa HK dahil sa nangyayaring protest rally doon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending