Moira nagpagamot ng ilong pero naimpeksyon; ayaw magdemanda | Bandera

Moira nagpagamot ng ilong pero naimpeksyon; ayaw magdemanda

Reggee Bonoan - August 15, 2019 - 12:05 AM


ANG ilong pa rin ni Moira dela Torre ang naging topic sa ginanap na blogcon para sa concert niyang “Braver” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Sept. 13.

Matagal na itong naipaliwanag noon ni Moira nang solo namin siyang makatsikahan. Aniya, nagkaroon siya ng infection na tingin namin ay nagsimula sa pimple at nasaksakan ng maling gamot kaya namaga.

Nabanggit nga niya na nai-stress siya dahil kailangan pang takpan ng make-up ang ilong niya kapag nagte-taping sila ng Idol Philippines.

Hanggang sa kumalat na nga ang balitang nagpa-nose job si Moira na ang intindi ng lahat ay nagpatangos ng ilong dahil isa raw ito sa requirement ng Cornerstone Management na nag-aalaga sa kanya.

Paliwanag ni Moira, “Well, basically, may nagkamali. And my nose went on necrosis. And it was a very simple procedure. It’s non-invasive. But it went wrong.

“Hindi po siya naagapan agad because we had no idea what was happening. I was at high risk of being blind, of heart attack, and stroke. And for three months, I was at home recovering ‘cause I was on house arrest. But I’m better now,” aniya pa.

Walang legal action na ginawa si Moira sa nag-inject sa kanyang ilong, “Naaawa po ako, eh. Napatawad ko na rin naman po and I know that person didn’t mean to do that. I’ve forgiven that person. That person helped me fix everything.”

Samantala, itinanggi naman ng manager ni Moira na si Erickson Raymundo na nire-require niya ang artists niya na magpatangos ng kanilang ilong.

“Hindi naman. Saka (kung totoo), hindi pa rin naman matangos ang ilong niya (Moira),” mensahe sa amin habang tinitipa namin ang balitang ito.

Hirit din ng handler ng mang-aawit na si Mac Merla, “Hindi po, nagka-infection siya sa nose kaya nagkasugat. Dedma na kami riyan, Regs, hindi lahat ng issue pinapatulan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending