Showbiz couple nagkasawaan na: walang forever sa alak

By Cristy Fermin August 14,2019
share this

Showbiz couple nagkasawaan na: walang forever sa alak

By Cristy Fermin August 14,2019
share this

NAPILING pagpistahan sa isang malaking umpukan ang sitwasyon ng isang showbiz couple na nauwi sa wala ang relasyon.

May kani-kanyang opinyon ang magkakausap, meron silang naiisip na dahilan kung bakit, puwedeng totoo ‘yun at puwede rin namang hindi.

Maraming nagulat sa kuwento ng hiwalayan dahil sobrang minahal nila ang isa’t isa na nauwi pa nga sa pagsasakripisyo nila ng kanilang mga karera.

Kuwento ng isang source, “Di ba, kapag sobrang nakainom na ang lalaki, e, wasted na ang energy niya? Palaging ganu’n ang nangyayari sa guy, hindi siya makulit kapag nalalasing, basta bumabagsak na lang siya.

“Hindi rin siya ang tipo ng lasing na naghahamon ng away, tahimik siyang walwalero, ang problema lang talaga sa kanya, e, bumabagsak siya! Ilang beses na ba siyang nagkaganu’n?

“Naglilinis na ng bar ang mga waiters, pero nakasubsob pa rin siya sa mesa? Hindi na niya kayang umuwi, ni hindi na nga kasi siya makapaglakad,” unang chika ng aming impormante.

Magkaiba naman sila ng kanyang girlfriend, kapag nalalasing na ito ay may kakulitan, ikot ito nang ikot, kung sinu-sino ang kinukulit, matibay sa walwalan ang girl.

Kuwento ng isa pang source sa umpukan, “Bagets pa lang ang girl, e, talagang walwalera na siya! Di ba, balitang-balita sa kanilang probinsiya na kapag nakikipag-inuman siya, e, napakarami niyang napapataob na kalalakihan?

“Mismo! Matibay ang girl, tihaya nang lahat ang mga kainuman niya, pero siya, active na active pa rin! Kabog niya ang boyfriend niya, walang ikakasa sa kanya ang male personality!

“Bagsak na si lalaki, pero si babae, nakakapag-drive pa! Pero nagtapos din ang pagiging drinking partners nila, nagkasawaan din sila. Kaya hindi totoo na kapag compatible ang mag-partner, e, merong forever!

“Sayang na relasyon, lalo na para sa guy, napakarami niyang sinayang na panahon, pero hindi naman natin siya masisisi, choice niya ‘yun, e!

“Hanggang sa pagmimiron lang ang magagawa natin dahil pinili nila ‘yun, desisyon nila ‘yun, pati ang paghihiwalay nila, e, pareho rin nilang decision!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang clue na kailangan, hindi na kayo maliligaw n’yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending