Gerald mas piniling iligtas ang sarili sa iskandalo; Julia biglang iniwan sa ere…

By Cristy Fermin August 14,2019
share this

Gerald mas piniling iligtas ang sarili sa iskandalo; Julia biglang iniwan sa ere…

By Cristy Fermin August 14,2019
share this

GERALD ANDERSON AT JULIA BARRETTO

Tama lang ang nilalaman ng post ni Julia Barretto. Move-on na. Wala na siyang ibang pamimilian ngayon kundi ang humakbang nang pasulong mula sa matinding kontrobersiyang kinasangkutan niya.

Siya ang talagang napuruhan sa iskandalo sa husgado ng bayan, siya ang pinupog nang husto sa social media, wala siyang kalaban-laban kay Bea Alonzo na sa pananaw ng ating mga kababayan ay inagawan niya ng karelasyon.

Sa panukat ng mas nakararami ay kinapos ng pagdepensa sa kanya si Gerald Anderson, mas pinili ng hunk actor na iligtas ang kanyang sarili sa mga komentong inilabas ni Bea, pero nalimutan nitong sentruhan ang ipagtanggol si Julia.

Naiwang mag-isa si Julia sa laban, mabuti na lang at nandiyan ang kanyang lola, ang kanyang ina at kapatid na sumusuporta sa kanya. Ang masakit lang, ang lahat ng mga salita ng kanyang mga kadugo ay nag-boomerang pa rin sa kanilang lahat.

Lalong inupakan sa social media si Julia, nagmukhang kaawa-awa lalo si Bea, lalo na nang maglabas na ng kanyang saloobin ang dalaga na parang pinangangaralan niya si Bea Alonzo.

Matatagalan pa bago makuha ni Julia Barretto ang loob ng publiko, hindi ganu’n kadaling makalimutan ang kontrobersiyang ito, mahaba-habang panahon pa bago mabura sa imahe ni Julia Barretto ang pagiging Valentina at Anaconda na itinawag sa kanya ng mga bashers niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending