Anne kay Zac Efron: Ano kaya ang nangyari kung nagkakilala kami?

By Bandera August 14,2019
share this

Anne kay Zac Efron: Ano kaya ang nangyari kung nagkakilala kami?

By Bandera August 14,2019
share this

ANNE CURTIS AT ZAC EFRON

MAY hugot pala si Anne Curtis sa Hollywood star na si Zac Efron. Yes, as in kilig na kilig ang TV host-actress kapag napag-uusapan ang hunk actor.

Sa nakaraang presscon ng sex-drama movie ni Anne na “Just A Stranger”, inamin niyang may mga pagkakataon na nai-imagine niya kung ano raw kaya ang posibleng mangyari kung nabigyan siya ng chance na makilala niya ang binata.

“l’ve actually been in a situation before when you actually meet someone and parang, ‘wow, they’re so nice!’ That’s it!

“It never moves on to friendship or anything else more than friends, but you imagine in your head,” pahayag ni Anne. Para sa kanya, “perfect stranger” si Zac Efron na nakita niya nang personal sa isang event.

“I saw Zac Efron in a place before and naisip ko rin talaga na…na-imagine ko ‘yung how many times… what could have happened if we were introduced as friends.

“Could we actually be good friends or would it happen to a point that we would date? Alam mo ‘yung ganu’ng klase mag-isip?” chika ng asawa ni Erwan Heussaff.

Pero aniya talagang hindi sila nabigyan ni Zac ng chance na magkakilala, “It’s not supposed to happen.”

Alam din daw ito ni Erwan at wala siyang nakikitang masama kung magpaka-fan girl siya sa kanyang mga celebrity crush and idols.

“Alam mo ‘yon? It doesn’t have to be more than that. Okay na tayo na hanggang idol lang natin sila or crush lang natin sila… but that’s just my thoughts,” aniya pa.

Napag-usapan si Zac dahil nga may temang “stranger” ang bagong pelikula ni Anne, ang “Just A Stranger” na tumatalakay sa May-December affair.

Kahit na may asawa na ang karakter ni Anne na ginagampanan ni Edu Manzano ay papatol pa rin siya sa mas bata sa kanya to be played by Kapamilya hunk Marco Gumabao.

Ito’y sa direksyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films na mapapanood na sa Aug. 21. Iikot ang kuwento kina Mae (Anne) at Jekjek (Marco) na magkakakilala sa Lisbon, Portugal at mapapalaban sa one-night stand. Kaya asahan na ang hot na hot na sex scene nina Anne at Marco.

Ayon kay Anne, perfect si Marco sa kanyang role, “I saw how hard he worked on the film. I think we did make the right choice when we choose Marco to play the role of Jericho in this movie. Yeah, so I’m very happy and excited for him.”

Excited na si Anne na mapanood ng madlang pipol ang ipinakita ni Marco sa pelikula, “This is huge for Marco, you know. And I’m excited for him and to see how the people will accept him as the new leading man of his generation.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending