‘Prima Donnas’ ni Aiko sa GMA isasabong sa ‘Kadenang Ginto’

By Reggee Bonoan August 14,2019
share this

‘Prima Donnas’ ni Aiko sa GMA isasabong sa ‘Kadenang Ginto’

By Reggee Bonoan August 14,2019
share this

AIKO MELENDEZ

NAKA-CHAT namin si Aiko Melendez kahapon at masaya niyang ibinalita na eere na ang kanyang teleseryeng Prima Donnas sa Agosto 19, Lunes sa GMA 7 at makakatapat nito ang Kadenang Ginto.

Aminado ang aktres na malaking programa ang makakatapat nila, “Mahirap maging katapat ang higante, di ba? Lalo na Kadena is made already kami starting pa lang pero one thing is for sure hindi kami mapapahiya sa show namin.”

Binusisi at nagdagdag ng maraming eksena ang Prima Donnas kaya ngaragan daw talaga ang taping nila.

“Oo te Regs, kasi nilakihan nila ‘yung soap, binusisi ng GMA and tutok po si direk Gina Alajar sa aming lahat,” pahayag ni Aiko.

Puring-puri rin ng aktres ang direktor ng serye at base sa post niya sa Facebook, “I worked with her in several movies. And small world she became the leading lady of my father (Jimi Melendez) too! Now am working with her as my director! It is truly an honor to be working with a great actress, and now am a witness of how good as a director she is.

“She is indeed an actors’ director. Very Detailed and yet so soft-spoken. I love the fact that how open I can be with her with my suggestions and how brilliant this lady is!

“Isa pong karangalan na maging director ka @ginalajar. Minsan pag nag-blocking po tayo nakatulala nalang ako kasi ang dami-dami ko pa palang puwede matutuhan and this Project#primadonnas Iam humbled as iam being taught again of many learnings. Thank you direk Gina for guiding me.”

Makakasama ni Aiko sa Prima Donnas sina Wendell Ramos, Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan at Katrina Halili.

Masama ang karakter ni Aiko bilang si Kendra, “Maldita pero nakakaawa kasi nagmamahal lang naman si Kendra kay Jaime (Wendell) obsession na actually kaya di niya naiisip kung sino nasasagasaan pero nakakaawa siya, ibang-iba kay Emilia (role niya sa Wildflower) na evil po.”

Sa tanong namin kung kabado sila sa Kadenang Ginto nina Dimples Romana at Beauty Gonzalez, “Mas kabado ako sa show hindi sa ano mang katapat namin. Kasi siyempre ang dapat atupagin hindi ‘yung katapat kundi paano magiging iba ang show namin sa iba.

“Story wise di kami papahuli. Di  naman ako papayag gumawa ng puchu-puchu lang. Tsaka naniniwala ako may suwerte ‘yung tandem namin ni Wendell kasi meron na kaming following from Wildflower,” ani Aiko.

Tumatawang sabi pa ng aktres, malayo ang itsura ni Emilia (Wildflower) kay Kendra, “Ibang Kendra ang makikita nila medyo, sexy. Ha-hahaha! Kaya ako nagpapayat para kay Kendra. Si Emilia mataba nu’n.

Ha-hahaha! Si Kendra pa-sexy. Kasi paano ko mapapaibig si Wendell kung mataba si Kendra!”

Para sa aktres ay friendly competition ang pagtatapat ng Kadenang Ginto at Prima Donnas dahil kaibigan niya sina Dimples at Beauty.

“Oh, definitely, it’s just work for all of us. Siyempre the comparison will always be there kung sino mas better pero for me work lang talaga. We are here to also show our viewers a different taste of drama di ba?

Ito ang unang project sa telebisyon ni Aiko mula nu’ng mag-lie low siya sa showbiz dahil tumulong siya sa kampanya ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

At labis ang pasalamat ng aktres sa Kapuso network dahil sa importyansiyang ibinibigay sa kanya, “Tsaka thankful ako sa importance na binibigay ng GMA sa akin sobra. So, sobra ako blessed sa project na ‘to. Tapos actor’s director pa si direk Gina.

“Napaka-meticulous and detailed kaya I love working with her ang dami ko pa natutuhan sa kanya,” saad pa ng aktres.

Ilang araw na lang ang promo ng PD at sisimulan nila ito sa Biyernes sa Robinsons Dagupan, “All star cast, kakanta ako at kakain ng apoy manood lang sila ng show namin. Ha-hahaha! Hinahanap daw kasi ako ng tao. Taray, may naghahanap sa akin?” natatawang sabi pa ni Aiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending