Horoscope, Aug. 14, 2019

By Madam Sophia August 14,2019
share this

Horoscope, Aug. 14, 2019

By Madam Sophia August 14,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sinasabi ng langit na dapat mong simulan ang araw na ito sa pagsisimba at pagninilaynilay. Kapag ganyan ka, laging nagpasalamat, lalo kang pagpapalain ng langit, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap hanggang sa lalo kang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 1, 8, 14, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Om.” Beige at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Ituloy mo ang iyong mga balak, hindi ka dapat abalahin ng mga pagbaha at pagbuhos ng ulan. Sa ganyang paraan, buo ang iyong loob at determinado ka ipagkakaloob sa iyo ng langit ang tagumpay na may kasamang labis na kasiyahan. Mapalad ang 3, 12, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Pink at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Mag-ingat sa kabigang kulot ang buhok na mangungutang ng malaking halaga at pagkatapos ay hindi na magbabayad. Sa pag-ibig, wag pagtangkaang lokohin ang minamahal, dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Mapalad ang 6, 9, 18, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mori-Om-Moti.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Upang umunlad, ang isa ay dapat maging dalawa at ang dalawa ay dapat maging apat. Sa pormulang, “multiplication”, mas mabilis kang yayayaman. Sa pag-ibig, hindi naman dumami ang kasuyo, isa-isa lang upang lumigaya. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Silver at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Wag malungkot, panahon na upang magsaya. Tandaan mo ang susi ng iyong tagumpay, kapag masaya ka kusang darami ang pera. Sa pag-ibig, hawahan ng saya ang kasuyong malungkutin upang ang relasyon ay lumigaya. Mapalad ang 1, 7, 16, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansyal, hangga’t hindi ka natutong magtipid, patuloy kang kakapusin ng salapi. Sa pakikipagrelasyon hangga’t hindi ka nakikipagbalikan sa isang Aries mananatiling malungkot ang love life. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Yellow at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bago simulan ang anomang proyekto, humigop muna ng mainit na kape o kaya’y masarao na sabaw. Sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong pakiramdam. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kapag kumita ng malaking halaga, itago mo agad ang kalahati upang maka-ipon at mas maganda kung itataya ito sa stock market. Oohan mo lang lagi ang iyong kasuyo, dahil isa rin siya sa nagdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Sandhapa-Om.” Pink at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sobrang love ka ng iyong kasuyo kaya madalas siyang mag-selos. Mamayang gabi, romansahin siya ng todo upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om.” Red at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kalimutan na ang nakaraan! Magbagong simula ka ngayon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig bagong ka-relasyon ang dapat, isang Leo ang magpapaligaya sa iyo ng husto. Mapalad ang 9, 15, 24, 27, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Om-Ketu-Mandala-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin. Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan at isipin mo kung paano sila mapagkakakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong may kayumangging kulay ng balat. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hanapin ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Gemini o kaya’y Libra, siya ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, hindi pera ang sagot sa kalungkutan, kundi ang isang tapat at pang habang buhay na pakikipagrelasyon. Mapalad ang 1, 4, 10, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Dosya-Om.” Red at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong, tulungan mo siya, dahil darating ang panahong hihingi ka rin ng tulong sa kanya at malaking tulong ang kayang ipagkakaloob sa iyo. Sa pag-ibig, ito ang huling araw upang ibuhos mo ang iyong lakas para sa isang masarap at nakababaliw na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending