Maja: Dream ko talaga ang ikasal sa beach, pero…
Napag-uusapan na rin nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang pagpapakasal. Umaasa ang Kapamilya actress na si Rambo na talaga ang kanyang “the one”.
“Oo, napag-uusapan na rin naman (marriage). But too early pa nga lang to say kasi ilang months pa lang naman kami,” sabi ni Maja sa panayam ng ABS-CBN.
Kuwento pa ng lead star ng pinakabagong Kapamila serye ng The Killer Bride, ang dream wedding daw talaga niya ay ikasal sa beach pero iniisip niya na magpakasal din simbahan, “para present si God.”
“Tsaka gusto ko simple lang. Hindi yung artista way. Very intimate lang,” chika pa ni Maja na mapapanood na uli gabi-gabi sa The Killer Bride kung saan makakatambal niya si Geoff Eigenmann.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.