Alcohol hindi kape ang malakiang epekto sa pagtulog
UMIINOM ng kape ang isang tao para hindi siya antukin, tama? Ganito ang alam ng mga nakararami.
Pero sa pag-aaral ng mananaliksik sa Florida Atlantic University at Harvard Medical School, lumalabas na walang epekto ang kape sa tulog kung iinumin ito apat na oras bago matulog.
Pinag-aralan nila ang 785 katao sa loob ng 5165 araw at tinutukan ang kanilang caffeine, alcohol at nicotine intake.
Ang mga datos na ito ay kanilang i-nihambing sa sleep diaries at wrist sensors na nagre-rekord ng sleep duration, sleep efficiency at kung gaano sila kabilis nakatulog.
Nasa 40 porsyento ang uminom ng kape bago matulog sa loob ng durasyon ng pag-aaral wala umano itong naging epekto sa kanilang pagtulog.
Ang paninigarilyo naman bago ma-tulog ay nakababawas ng 42 minuto sa sleep time.
Sinabi ni Dr. Christine Spadola, Assistant Professor at Florida Atlantic University, na mahalaga para sa tao ang makatulog nang maayos kaya kailangan ang mga pag-aaral sa mga nakakaapekto rito.
Kung walang epekto ang kape, mayroon naman ang alkohol at nicotine kung iinom ng alak o maninigarilyo sa loob ng apat na oras bago humiga.
Sa isang ulat ng Sleep Council, 70 porsyento ng mga adult sa Britain ay natutulog na lamang ng hindi lumalagpas ng pitong oras at marami sa kanila ang mayroong hindi magandang tulog.
Inirekomenda ng National Health Service sa England ang pagbawas sa pag-inom ng tea, kape, energy drink at softdrink. Mas makabubuti umano ang pag-inom ng milky drink at herbal tea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.