Nanay nina Alex at Toni mahilig manumbat; bagong Patola Queen | Bandera

Nanay nina Alex at Toni mahilig manumbat; bagong Patola Queen

Cristy Fermin |August 12,2019
facebook
share this

Nanay nina Alex at Toni mahilig manumbat; bagong Patola Queen

Cristy Fermin - August 12, 2019 - 12:15 AM


MANIPIS ang balat ni Aling Pinty Gonzaga. Balat-sibuyas ang ina nina Alex at Toni, parang hindi niya alam na pampublikong trabaho ang pinasok ng kanyang mga anak, kaya mabilis siyang maging emosyonal kapag nakakabasa siya ng pamba-bash tungkol sa dalawa.

Sarkastiko rin si Aling Pinty. Ugali niyang mag-text sa mga manunulat na pumipitik sa kanyang mga anak. Sa halip na tumanaw ng utang na loob dahil bahagi ng popularidad nina Alex at Toni ang mga reporters ay mahilig pa siyang manumbat.

Ay, galit na galit si Aling Pinty kapag sinasabi ng mga bashers na dokleng si Toni at mukhang palaka naman si Alex. Ayaw na ayaw niya ng ganu’n!

At madali namang intindihin ‘yun dahil siya ang ina ng dalawang aktres, sa pananaw ng isang nanay ay wala nang mas gaganda pa sa kanyang mga anak, kaya ganu’n siya.

Madalas i-bash si Aling Pinty ngayon dahil de-primera siyang ipinaglihi sa patola. Mahilig siyang magbigay ng panahon sa mga nagkokomento na pangit si Alex at mukha namang naluging negosyante ang itsura ni Toni.

Mapagpatol si Aling Pinty, pati tuloy ang pagiging Kristiyano ng kanilang pamilya ay nakakaladkad sa mga pamba-bash sa kanya, puro pintas ang inaabot nila sa mga bashers.

Mas maganda kung hindi na nakikisali pa si Aling Pinty sa gulo. Mga anak lang niya ang artista, siya naman ay hindi, kaya mas magandang umiwas na lang siya sa pagpatol sa mga bashers.

‘Yun ang presyong kaila-ngang bayaran ng magkapatid sa pagiging artista. Sabi nga, it’s lonely at the top, but you have more food on the table.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending