Gov’t exec laging ready sa kamera; laging labas ngipin
DA who ang isang opisyal ng gobyerno na tila laging kinukunan ng litrato at video dahil talagang labas ngipin lagi kahit saang mga pagtitipon.
Bukod sa puro litrato ni government executive ang makikita sa mga Facebook account ng bawat netizen na nagpa-follow sa isang official account, kapansin-pansin na pawang nakangiti at labas pa ang mga ngipin ng opisyal sa mga litrato.
May kasamang mga staff si government exec na siyang nagsisilbing photographer at videographer para sa opisyal, bukod pa sa mga miyembro ng media na beat reporters, photographers, cameraman na nakatalaga sa kanya.
Naungusan na ng milya-milya ang opisyal ng kanyang mga kasabayan kung sa accomplishment ang pagbabatayan.
Wala pa kasing nagawa ang opisyal na masasabing kanya talaga.
Bukod kasi pawang ginagaya lamang ang mga kapwa opisyal sa kanilang mga program, wala pang nakikitang totoong pagbabago sa kanyang pinamumunuan.
Dahil sa kanyang pagiging bungisngis lagi, usap-usapan tuloy kung kahit walang kamera at media ay ganun pa rin ang ipinapakita ng government executive.
Nakangiti pa rin kaya siya sa harap ng mga empleyado na mas mababa sa kanya?
Gusto nyo ba ng clue?
Kung tutuusin ay hindi naman bagito ang opisyal sa government service.
Ilang dekada na rin naman siyang nasisilbi sa gobyerno bagamat ngayon ang unang pagkakataon na siya mismo ang pinuno.
Sa nakalipas kasi na mga tao, laging supporting lamang ang role ng government executive.
Hindi gaanong napapansin ang opisyal dahil meron talagang namumuno kayat kahit hindi siya magtrabaho ay hindi mapapansin dahil ngs may mas mataas na namumuno pa sa kanya.
Dahil binigyan ng ultimatum, inaabangan ngayon ng mga netizens kung magagawa ng government exec ang kanyang trabaho.
Gets n’yo na ba ang tinutukoy ko? Tiyak na alam n’yo na ang tinutukoy ko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.