Male celeb ayaw nang makita si kilalang female star: Pero habol pa rin nang habol | Bandera

Male celeb ayaw nang makita si kilalang female star: Pero habol pa rin nang habol

Cristy Fermin |August 11,2019
facebook
share this

Male celeb ayaw nang makita si kilalang female star: Pero habol pa rin nang habol

Cristy Fermin - August 11, 2019 - 12:40 AM

TALAGA palang inilalayo na ng isang pamosong lalaking personalidad ang kanyang sarili sa isang mas popular na babaeng personalidad.

Nu’n pa man pala ay sinasabi na niya sa kanyang mga kapalagayang-loob na hanggang kakayanin niyang umiwas ay gagawin niya para lang matahimik na ang kanyang personal na buhay.

Kuwento ng isang source, “Naku, pinaninindigan niya ang promise na ‘yun, kaya kapag gumagawa ng paraan ang girl para lang magkita sila, e, kung anu-anong dahilan na lang ang iniimbento niya.

“Alam niya namang gumagawa na lang siya ng mga alibi, pero kailangan niyang gawin ‘yun dahil kung hindi, e, mabubulabog na naman ang personal life niya!” unang chika ng aming impormante.

Nu’ng minsan pala ay nagpadala ng mensahe sa kanya ang kilalang female personality na kailangan nito ng tulong tungkol sa isang isyung legal. Sana raw ay magkita sila.

Patuloy ng aming source, “Bakit si ____ (pangalan ng kilalang male personality) ang gusto niyang kausapin tungkol sa sinasabi niyang legal issue, e, napakarami niyang lawyers?

“Bakit hindi ang mga abogado niya ang tanungin niya, bakit ‘yung male personality pa ang gusto niyang kausapin at makasama? Kasi nga, e, gumagawa lang siya ng reason para magkasama sila!

“At ang nakakaloka pa, sinabi rin ng girl na para raw hindi na sila maintriga, e, sa house na lang niya sila magkikita! Natural, lalong kinabahan ang guy! Bakit sa house niya pa, samantalang puwede naman silang magkita sa labas?

“Saka may ipare-review raw siyang mga legal documents, ano naman ang alam ng lalaki sa mga ipare-review niya, abogado ba siya?

“Naku, hindi talaga makalusot ang girl sa mga kaechosan niya, palagi siyang blangkado ng guy, tumatanggi talaga sa mga gusto niyang mangyari!

“Nakakaloka siya, talagang ayaw niyang tantanan ‘yung taong ayaw naman sa kanya obviously, di ba naman? Mapapagod siya sa kaiimbita, pero pipila muna siya bago makuha ang attention ng guy na hinahabul-habol niya, sa totoo lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Paborito na rin siguro ngayon ng girl ang beef steak, para lang madalas niyang maalala ang male personality, hanggang du’n na lang talaga ang magagawa niya!” pagtatapos ng aming impormanteng nakataas ang kilay.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo ang mga bumibida sa istoryang ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending