Derek umamin sa relasyon nila ni Andrea | Bandera

Derek umamin sa relasyon nila ni Andrea

Ervin Santiago |August 11,2019
facebook
share this

Derek umamin sa relasyon nila ni Andrea

Ervin Santiago - August 11, 2019 - 12:35 AM

ANDREA TORRES AT DEREK RAMSAY

MAGDYOWA na nga ba sina Andrea Torres at Derek Ramsay? Yan ang tanong ng kanilang mga followers sa social media dahil feeling nila, may “something” na sa dalawa.

Bukod sa mapanukso at makatotohanang mga eksena nila sa Kapuso primetime series na The Better Woman, pansin ng mga netizens, napapadalas daw ang “pagde-date” ng dalawa. Ilang beses na raw lumalabas ang dalawa kapag wala silang taping.

Nitong nakaraang linggo lang, nanood pa si Andrea ng basketball game ni Derek sa isang liga. And prior to this, sumama rin ang Kapuso sexy actress sa China para suportahan ang kanyang leading man sa kanyang frisbee competition.

Sa panayam ng GMA kay Andrea sinabi nitong sinuportahan lang niya si Derek sa laban nito, “First time ko kasi makasama sa ganoon. Wala akong idea kung ano ‘yung buhay ng atleta and tumaaas ’yung respeto ko kasi ang hirap talaga. Non-stop talagang ipu-push mo ‘yung katawan mo. Talagang they do everything to represent the country talaga.”

Siyempre, touched naman si Derek sa pagsama sa kanya ni Andrea para panoorin ang kanyang game.

“I was amazed how patient and understanding and supportive she was. Walang kaartehan. Kung umuulan, nandoon siya, walang payong. Kung mainit nandoon siya,” lahad ng aktor.

Hindi imposible na magkagustuhan ang dalawa ngayon dahil pareho silang single at halos araw-araw silang magkasama sa taping ng The Better Woman.

Sa isang interview, hindi diretsong sinagot ni Derek kung ano na talaga ang estado ng relasyon nila ni Andrea.

“I think we’re more than friends. We’ve developed a really strong friendship in a short period of time but I like where it’s going,” sagot ng Kapuso hunk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending