Bashers sa sisteraka ni Julia: Hoy girl, wag ka nang makisali, away ng magaganda ‘yan! | Bandera

Bashers sa sisteraka ni Julia: Hoy girl, wag ka nang makisali, away ng magaganda ‘yan!

Bandera |August 11,2019
facebook
share this

Bashers sa sisteraka ni Julia: Hoy girl, wag ka nang makisali, away ng magaganda ‘yan!

Bandera - August 11, 2019 - 12:15 AM

DANI BARRETTO

“OH ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha!” ‘Yan ang tila pang-aasar ng kapatid ni Julia Barretto na si Dani Barretto sa mga bashers na nanglalait sa kanyang itsura.

Matindi ang tinatanggap na batikos ng anak ni Marjorie Barretto mula sa mga netizens na kumakampi kay Bea Alonzo matapos iturong third party si Julia sa hiwalayan nila ni Gerald Anderson.

Si Dani kasi ang lumalaban at nakikipagsagutan sa netizens na patuloy na namba-bash at nambabastos kay Julia kaya ang ending, pati siya ay binu-bully din ng haters sa social media. At karamihan sa mga comments ng netizens kay Dani ay patungkol sa kanyang itsura tulad ng, “Away ’yan ng magaganda!

Huwag kang makisali!” at “Hoy girl, maganda ka ba? Huwag ka nang makisali sa issue, hindi ka maganda!”

Pero sa halip na mainis at mapikon, idinaan na lang ni Dani sa biro at pang-aasar ang kanyang sagot sa mga haters. Sa kanyang Instagram account, nag-post ang kapatid ni Julia ng kanyang lirato na todo ang
ngiti.

Caption ni Dani, “Eh kasi naman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napaka panget mo at pinakasalan ka lang naman kasi na buntis ka.

“Next time kasi quiet ka nalang. Yan tuloy nababash ka.”

Hirit pa niya, “Oh gulat kayo memorize ko na kayo noh? HAHAHA! Oh ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha. (heart emoji). You do note meeeeee!”

Dahil dito, mas lalo pang na-bash si Dani pero marami rin ang pumuri sa kanyang katapangan at paninindigan na kahit buntis siya ay wala siyang takot na lumalaban sa mga bully sa social media para lang maipagtanggol ang kanyang kapatid.

Isang netizen pa nga ang nagkomento na sana raw ay photo album na ang ipinost ni Dani na sinagot naman niya ng, “Kaya nga eh! Dami ko pa naman photos dito na im sure mas maiinis sila sa mukha ko hahahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment pa ni Dani, “Some people are just bored or really heartless. Sad truth!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending