Derek sa hater: Hoy, wag kang bastos! | Bandera

Derek sa hater: Hoy, wag kang bastos!

Ervin Santiago |August 10,2019
facebook
share this

Derek sa hater: Hoy, wag kang bastos!

Ervin Santiago - August 10, 2019 - 08:02 AM

DEREK RAMSAY

RUMESBAK ang Kapuso actor na si Derek Ramsay sa isang basher na nagsabing sa kanya raw nagmana si Gerald Anderson ng pagiging babaero.

Nag-post kasi ang leading man ni Andrea Torres sa Kapuso series na The Better Woman ng litrato nila ng kanyang pamangking babae sa Instagram na may caption na, “Pakiss nga!!! Miss you ate Aela. #family.”

Maraming nag-comment ng magaganda at positibo sa IG post ng Kapuso hunk pero may isang netizen na may handle name na @shinettarevalo ang nagkomento ng hindi maganda.

Talagang ikinumpara siya nito kay Gerald na kontrobersiyal ngayon dahil sa paghihiwalay nila ni Bea Alonzo na ang itinuturong may kasalanan ay si Julia Barretto. 

Sey ng hater, “Gawa ka na kasi ng baby mo matanda ka na. Hindi ung puro kalandian lang ginagawa mo. Yan tuloy si Gerald Anderson nagmana sa yo.”

Sinagot agad ito ni Derek ng, “@shinettearevalo salamat sa advice and i hope because of what you said masaya ka for the rest of your day.”

May isang follower ang Kapuso actor ang nagsabing may anak na ang aktor sa estranged wife nitong si Mary Christine Jolly. Na sinagot naman ni @shinettearevalo ng, “@iiamsachie alam ko sa asawa nya dati kay Jolly. Anung akala m sakin tanga. What I mean is sa present. Gago isip isip din kasi.”

Nang mabasa naman ito Derek muli niyang sinagot ang basher ng, “@shinettearevalo hey wag ka bastos! Ikaw nga ang gago tapos ikaw pa bastos.”

Nitong nakaraang buwan ay naging kontrobersyal din si Derek matapos silang maghiwalay ng kanyang ex-girlfriend model-vloger na si Joanne Villablanca. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending