Aktres pinilit magpalitrato ng hubo't hubad ng ex-BF na aktor | Bandera

Aktres pinilit magpalitrato ng hubo’t hubad ng ex-BF na aktor

Cristy Fermin |August 10,2019
facebook
share this

Aktres pinilit magpalitrato ng hubo’t hubad ng ex-BF na aktor

Cristy Fermin - August 10, 2019 - 12:07 AM

ISINALBA ng presensiya ng kanyang utak at disiplina ang isang pamosong aktres mula sa isang senaryong pagsisisihan niya nang habambuhay. Mabuti na lang!

Sa isang umpukan ay pinagpistahan ang kuwento tungkol sa isang magkarelasyong aktor at aktres na kahihiwalay lang kamakailan.

Mainit ang kanilang pagmamahalan nu’n, talagang umasa ang aktres na magiging sila na ng male personality ang hahantong sa altar, pero pakiramdam lang naman pala niya ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Mabuti na lang at lumang tao ang girl, hindi siya ‘yung klaseng madaling mabuyo. Kasi, kung ang pinairal niya, e, ang init ng katawan, siguradong meron siyang pinagsisisihan ngayon!

“Mabuti na lang at mas nauna ang utak niya kesa sa puso, nakapag-iisip muna siya nang maayos, bago lumundag sa pagdedesisyon!” simulang chika ng aming impormante.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ay may gustong mangyari ang male personality, pero talagang pumalag ang aktres, mahirap na nga naman.

“Madalas tayong nakapanonood sa news ng mga babaeng nagrereklamo dahil sa ginawang pambababoy sa kanila ng ex nila. ‘Yun din ang madalas na inirereklamo ng mga kababaihan sa isang programa sa radyo, ibinubuyangyang ng ex nila ang mga nude nilang retrato.

“Kasalanan din ng girl ‘yun, kasi nga, pumapayag siyang makunan nang hubo’t hubad ng karelasyon niya! Ano ang nangyari nu’ng maghiwalay na sila?

“Inilabas ng guy ang mga nude photos niya, meron pang pagbabanta ‘yun, kung hindi magbibigay ng pera ang girl, ipadadala ng lalaki ang mga hubo’t hubad niyang pictures sa mismong mga kaibigan nila!

“‘Yun mismo ang pumasok sa isip ng female personality nu’ng hinihilingan siya ng kanyang boyfriend na makunan siya ng nude. Hindi, sabi ng girl, ayaw niya!

“Mahirap na nga naman, paano kapag naghiwalay sila, di meron siyang pagsisisihan kung papayag siya? Pilit nang pilit ang male personality, pero palagi siyang bigo!

“Mautak ang girl, talagang nanindigan siya, bigung-bigo ang male personality na gustung-gusto siyang makunan nang nakahubad. Buti na lang at lumang tao ang girl, madisiplina siya, hindi siya nagpapatalo sa emosyon niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayong break na sila, walang ikinatatakot ang girl, wala naman kasing mailalabas na picture niyang hubad ang ex niya! Napakadali nga namang sabihin ng guy na nawala ang cellphone niya, di ba?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo ang mga bumibida sa kuwentong ito, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending