Patakaran sa unemployment insurance certification | Bandera

Patakaran sa unemployment insurance certification

Liza Soriano - August 09, 2019 - 12:15 AM

SA layunin na maging maayos ang implementasyon ng involuntary separation benefit ng Social Security System, naglabas ang Department of Labor and Employment ng patakaran sa pagbibigay ng sertipikasyon sa mga involuntary laid-off employee na nagnanais makatanggap ng unemployment insurance.

Sa Department Circular No. 01, series of 2019, na naglalatag ng patakaran sa pagbibigay ng DOLE certification na isa sa mga kinakailangang dokumento ng lehitimong miyembro ng SSS, kabilang ang mga kasambahay at overseas Filipino worker, na natanggal sa trabaho nang hindi nila kagustuhan.

Makukuha ang certification mula sa DOLE field o provincial office kung saan nakatira ang aplikante o sa lugar na kaniyang pinagtatrabahuhan.

Para sa mga OFW, maaari nilang isumite ang kanilang aplikasyon sa Philippine Overseas Labor Office sa lugar kung nasaan ang kanilang employer o sa lugar na kanilang tinitirhan na malapit sa DOLE field o provincial office.

Dapat dalhin ng aplikante ang isang balidong identification card; kopya ng notice of termination na inisyu ng employer o duly notarized affidavit of termination of employment, kung wala ito.

Para maging kwalipikado sa unemployment benefit, ang manggagawa, kabilang ang mga kasambahay at OFW, ay hindi dapat lalampas sa 60 taong gulang ang edad sa panahon nang sila ay matanggal sa trabaho; nakapagbayad nang hindi bababa ng 36 buwanang kontribusyon at 12 sa mga ito ay nasa 18-buwan panahon makalipas ang buwan nang matanggal sa trabaho; at hindi nakatanggap ng unemployment benefit sa loob ng huling tatlong taon bago ang petsa ng pagkakatanggal sa trabaho.

Ang manggagawa ay dapat na natanggal sa trabaho dahil sa “awtorisadong dahilan,” tulad ng paglalagay ng labor-saving device; redundancy, retrenchment o downsizing, pagsasara o pagtigil ng operasyon; o pagkakasakit ng empleyado at ang kanyang patuloy na pagtatrabaho ay pinagbabawal ng batas o makakasama sa kalusugan ng kanyang kapwa-manggagawa.

Maaari ring mag-aplay ang mga nawalan ng trabaho dahil sa “makatarungang dahilan” batay sa nakasaad sa Article 300 (285) ng P.D. No. 442 o ang Labor Code of the Philippines; o dahil sa paghina ng ekonomiya, kalamidad/sakuna, at iba pang katulad na kaso batay sa pagkakapasya ng DOLE at SSS.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 527344

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending