Rufa Mae: Hindi ako nag-artista para sumikat…gusto ko pera
Dumating sa punto si Rufa Mae Quinto na hindi na kailangang mag-aalala dahil hindi na masyadong busy ang kayang showbiz career.
“Dumating na ako sa point na hindi kailangang pilitin kung hindi para sa ‘yo. Di ba, producer din ako? Para kapag naiinip ako, another project para tuluy-tuloy lang.
“Kasi na-realize ko na hindi pala ganoon ang buhay. Minsan huwag mo ipilit kung hindi para sa ‘yo. May timing ang lahat.
“Pero ako kasi ‘yung artistang hindi feeling. Kaya nga sumu-support pa rin ako, eh. Hindi naman ako nag-artista para maging superstar sa totoo lang. Gusto ko lang talaga kumita ng pera.
“Siyemre, breadwinner, maraming pangarap, marami akong gusting bilhin.
“Eh, nagustuhan ako ng tao, kaya ginalingan ko na. Tinodo ko na,” pahayag ni Rufa Mae nang makausap namin.
“Sa akin, okay lang ako. Akala ko ko nu’ng nag-asawa ako, akala ko hindi na ako makakabalik kasi ang laki ko na. Pina-feel sa akin ng ibang tao na tumatanda na ako.
“Alam ko malaki lang ang suso ko, pero hindi ako nag-artista kaya lang nandoon na nga. I wanna do my best, my very, very best. Okay lang ako na sumikat silang lahat at masaya ako para sa kanila!” sabi pa ni Rufa Mae na may special participation sa movie ni Ai Ai delas Alas na “And Ai Thank You” mula sa direksyon ni Joven Tan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.