Ramon Guico III: Pilotong nag-landing sa public service
Licensed pilot si Ramon “Mon-Mon” Guico III, pero sa halip na i-pursue ang career sa pagpapalipad ng eroplano, mas naramdaman niya ang tawag ng pangangailangan ng kanyang mga kababayan sa ikalimang distrito ng Pangasinan.
“Nakita ko ‘yung public service parang marami kang magagawa,” ani Guico, na bago naging kongresista ay naging vice mayor muna at three-term mayor ng Binalonan, Pangasinan.
May mas mahalaga kaysa sa materyal na bagay, giit ng kongresista nang kapanayamin ng BANDERA.
“Alam mo yun parang if you’re a businessman you earn a lot, sarili mo lang. But I think as a public servant yung tulong mo sa iba, ‘yung recognition, for me that’s more important, yung may nagawa ka, may impact ka, nagawa ka sa society. Kahit maliit ‘yung nagawa mo sa Binalonan, ngayon sa distrito, malaking bagay sa akin ‘yun more than any material wealth, ito ang hindi mababayaran.”
Isa sa naging “impact” ni Guico sa Binalonan ay ang kanyang nagawa sa sektor ng edukasyon.
Isang lokal na unibersidad ang naipatayo sa Binalonan sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang alkalde.
“‘Yung access to higher education nandyan na, within one’s reach na hindi na kailangang pumunta sa malayo yung mga kalugar ko.”
Marami pa aniya siyang proyekto subalit hindi pa ito naabot dahil sa limitadong pondo at oras.
“Limitado yung pondo ng mayor, marami pa akong gustong gawin. Yung maglagay ng mga economic zone….” paliwanag niya.
Giant slayer
Tinalo ni Guico noong nakaraang eleksyon ang batikan na sa politika na si dating Pangasinan Gov. Amado Espino.
Naniniwala ang batang kongresista na ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga residente ng kanyang distrito ang kanyang ikinapanalo.
“Nu’ng lumaban ako, may confidence na ako na kaya kong talunin. Without looking at the machinery, the resources, siguro ‘yung pag-ikot ko dun sa bayan, sa distrito nakita ko ‘yung kailangan gawin, ‘yun ‘yung kinapitalize ko.”
Ang kanya umanong nagawa sa Binalonan ay naging bentahe rin nito upang makuha ang kumpiyansa ng mamamayan mula sa ibang lugar na sakop ng distrito.
“I think I have proven myself sa Binalonan kahit na maliit na bayan, akala mo walang pupuntahan kasi agricultural town lang. E, naging progressive. So I think tiningnan din ng tao ‘yun,” paliwanag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.