Male celeb walang kwenta, parang tuod lang sa stage
ISANG gabing magkakaumpukan ang mga taga-showbiz na may binubuong casting ng mga performers para sa isang malaking probinsiya ay naging paksa nila ang isang guwapong young personality na talaga namang makalaglag-churva ang kaguwapuhan.
Sikat ang young male personality, kahit saan mo siya dalhin ay talagang tinitilian siya, pero sumpungin pala ang guwapong bagets.
Kuwento ng isang talent caster sa umpukan, “Naku, hindi ko na siya kukunin sa kahit anong fiesta at okasyon kahit kailan! Mahirap siyang performer, manghuhula ka kung ano ang gusto niya!
“Mahirap kasing kapain ang ugali niya, hindi mo alam kung paano mo siya mapapasaya, kasi nga, e, palagi lang siyang tahimik at parang ayaw niyang may kumakausap sa kanya!
“Alam mo ‘yung kargo de kunsensiya mo siya sa kabuuan ng biyahe, sa mismong show, hanggang sa matapos na ang palabas! Kasi nga, parang may kulang kang ginagawa sa pag-eestima sa kanya!
“Natural, dahil ikaw ang nag-importa sa kanya, e, gusto mo namang maging maayos ang lahat, pero mahirap siyang pakibagayan!” umpisang chika ng aming impormante.
At may ugali pa kuno ang guwapong bagets na kapag nasa stage na ay ayaw niyang kumuha ng kakantahan niyang girl sa entablado. Sumisigaw na ang audience na kumuha siya ng kinikilig na babae para makasama niya pero deadma lang ang guwapong young actor.
Patuloy ng aming source, “Di ba, napakasaya sana kung may lalambingin siyang girl sa stage? Nandu’n kasi ang saya, ‘yung kunwari, e, aakbayan niya ang girl, matindi ang kilig ng ganu’n sa manonood!
“Sinesenyasan na nga siya ng mga namamahala ng show na kumuha siya ng babae sa audience, pero ayaw talaga niya, kanta lang siya nang kanta na parang tuod sa stage!
“Napakalaki pa naman ng talent fee niya, as in, budget na ‘yun ng lahat ng mga artistang kasama sa show, pero hindi siya masarap kuning performer dahil hindi siya generous sa mga fans!
“Kapag tinatamad pa siyang kumanta, e, itinututok niya ang microphone sa audience, ang mga tao ang pinakakanta niya dahil siguro, tinatamad na talaga siya at uwing-uwi na siya!
“Mahirap siyang kunin, sikat nga siya, pero parang sayang lang ang ipinambayad mo sa kanya, kasi, hindi nasusulit ‘yun! Naku, pili na lang kayo ng color na malapit sa name niya, red, white or blue?” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mauupo pa ba kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.