APAT sa bawat limang Filipino ang nasiyahan sa nangyaring eleksyon noong Mayo, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Nasisiyahan umano ang 80 porsyento (38 porsyentong lubos na nasisiyahan at 43 porsyento na medyo nasisiyahan) sa nangyaring halalan at 12 porsyento (5 porsyentong lubos na nasisiyahan at 7 porsyento na medyo hindi nasisiyahan) at pitong porsyento naman ang undecided.
Mas mababa ito kumpara sa 82 porsyento na nagsabi na sila ay nasiyahan sa halalan noong Mayo 2016, at siyam na porsyento na nagsabi na hindi.
Naniniwala naman ang 79 porsyento (42 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 37 porsyentong medyo sumasang-ayon) na walang pinaboran ang Commission on Elections na kandidato o grupo.
Mas mataas naman ito kumpara sa resulta ng survey noong 2016 kung saan 72 porsyento ang naniniwala na walang pinaboran ang Comelec at 11 porsyento ang hindi naniniwala.
Kapanipaniwala naman para sa 86 porsyento ang naging resulta ng senatorial elections, mas mababa kumpara sa 92 porsyento na naitala noong 2016 polls.
Naniniwala naman ang 88 porsyento na tama ang resulta ng eleksyon sa pagkakongresista, mas mababa sa 91 porsyento noong 2016 elections. 84 porsyento ang nagsabi na kapanipaniwala ang halalan sa pagkagubernador mas mababa ng dalawang puntos sa naunang survey at 89 porsyento naman sa pagkamayor na mas mababa sa 92 porsyento sa naunang survey.
Ginawa ang survey mula Hunyo 22-26 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.