Julia asar-talo kay Gretchen: Team Bea for the win!

By Ervin Santiago August 06,2019
share this

Julia asar-talo kay Gretchen: Team Bea for the win!

By Ervin Santiago August 06,2019
share this

WALANG inaksayang panahon si Gretchen Barretto, talagang inasar at nilaglag din niya nang bonggang-bongga ang pamangking si Julia Barretto na nasa gitna ngayon ng matinding iskandalo.

Nasa number one spot ang pangalan ni Julia sa top trending topic sa Twitter Philippines matapos maglitanya tungkol sa pagkakasangkot niya sa break up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Nasa second spot naman ang name ni Gerald habang nasa 3rd trending topic ang #TEAMBEA at 5th placer ang pangalan ni Bea Alonzo 

Talagang pinagpiyestahan at naging national issue na ang mga naging pasabog ni Julia sa kanyang Instagram account laban kay Bea.

At mas lalo pang nadagdagan ang tensyon sa socmed nang magpakawala na nga ng komento ang tiyahin ni Julia na si Gretchen.

Kumalat na ang screenshots ng mga tweet at IG comments ng netizens kontra kay Julia na ni-like at ni-repost pa ni Gretchen sa IG Stories.

Partikular na tinukoy ni Greta ang post ng isang netizen (@bojbo10_n) na: “Wrong move Julia!

“Di ka bumilib Jan sa official statement mo! Mas lalo kang naging guilty at nuknukan ng NEGA Jan!!!!!!!!

“Ewan ko sayo!!!!!! Team @beaalonzo all the way!!!!!!” Naka-tag sa sina Gretchen, Claudine Barretto, Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Ito naman ang sagot si Gretchen, “TEAM BEA FOR THE WIN.”

 “THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending