Toni: Sa 20 years ko sa industriya, ibang-iba talaga ang samahan sa Eat Bulaga... | Bandera

Toni: Sa 20 years ko sa industriya, ibang-iba talaga ang samahan sa Eat Bulaga…

Ervin Santiago - August 06, 2019 - 12:11 AM

FOREVER na may tatanawing utang na loob ni Toni Gonzaga sa Eat Bulaga kung nasaan man siya ngayon.

Isa si Toni sa mga naging bahagi ng longest-noontime show sa Pilipinas. Nagbigay ng tribute ang Kapamilya actress-TV host sa programa bilang bahagi pa rin ng 40th anniversary celebration ng EB.

Sa YouTube video ng Eat Bulaga, nagpa-interview si Toni para sa “Kwentong Eat Bulaga Series”, dito sinabi ng asawa ni Direk Paul Soriano na 17 years old lang siya nang unang sumabak bilang Dabarkads noong 2002.

“Yes, 17 years old ako, e, noong una akong nag-host ng Eat Bulaga. Tuwang tuwa ako, grabe, yun yung pinakamasaya kong araw kasi hindi talaga ako makapaniwala.”

Pagpapatuloy niya, “Kahit saan ako mapunta at kung ano man yung meron ako ngayon, lagi kong sinasabi na malaking bahagi ng kung ano ako ngayon bilang isang host, bilang isang artista, ay dahil sa mga natutunan ko sa Eat Bulaga.

“Up to this day, sa 20 years ko sa industriya, yun ang samahan and yung bonding and yung relationship na hinding-hindi ko makakalimutan, na nakita ko lang sa Eat Bulaga.

“Walang artista factor, walang showbiz factor sa Eat Bulaga kasi lahat, pantay pantay, lahat pamilya talaga,” aniya pa.

Inalala rin ni Toni kung paano siya nakapasok sa noontime show nina Tito, Vic & Joey.

“Naalala ko pa noon, first year college ako tapos pag-uwi ko, sinabi ng mommy ko sa akin na ‘Uy, tumawag sa akin si Malou Fagar (TAPE executive) ng Eat Bulaga, na parang gusto ka nilang i-try na semi-regular host,'” kuwento ng aktres.

Nagulat daw talaga siya sa balita ni Mommy Pinty, “‘Talaga?’ Nakakanerbiyos kasi naalala ko noon, sa school, kapag uuwi na ako, automatic na yun, e. Nakabukas na yung TV namin habang nagtatanghalian kami, nandu’n ang Eat Bulaga. So, parang yung idea na makapasok ako sa Eat Bulaga! Nakaka-excite!”

Dagdag pa niya, “Hindi ko naman nakalimutan ang Eat Bulaga, parang kahit saan ako pumunta, hanggang ngayon nga, iniisip ko pa rin, parang kahapon lang ako part ng Bulaga, e.

“Parang kung ano yung natutunan ko sa Bulaga bitbit ko yun, hawak ko yun. Kapag naging part ka ng Bulaga hindi mo na malilimutan yun. Isa na yun sa masasabi mong one of your achievements in life. Sa career ko, isa yun sa isusulat kong mga highlight ng buhay ko,” pagmamalaki pa ni Toni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tingin ko, sa isang libo at isang tuwa na naihatid ng Eat Bulaga sa bawat tahanan ng bawat Pilipino, part na siya ng Filipino culture na kapag tanghali, ang kasama mo sa tanghalian, yung Dabarkads mo.

“Kahit mag-isa kang kumakain sa bahay, basta nasa TV ang Dabarkads, may kasama ka sa hapagkainan, para di ka nag-iisa,” sabi pa ni Toni na isang super proud Dabarkads.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending