4-na palapag na gusali gumuho sa Cebu City | Bandera

4-na palapag na gusali gumuho sa Cebu City

- August 05, 2019 - 05:14 PM

NAKALIGTAS ang 42 manggagawa ng isang business process outsourcing firm matapos gumuho ang isang apat-na palapag na gusali sa Cebu City, Lunes ng madaling araw.

Matatagpuan ang gumuhong Juanita Bldg sa tabi ng isang construction site.

Sa magkahiwalay na ulat, sinabi ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office at Cebu City Police Office (CCPO) na wala namang nasaktan sa pangyayari.

Sinabi ni Maj. Eduard Sanchez, CCPO station 2 commander, na tumawag ang mga security guard ng Juanita para iulat ang pangyayari ganap na alas-2 ng umaga.

Walang tao nang gumuho ang buong apat na palapag na gusali.

Nailikas naman ang 42 empleyado ng katabing opisina na Business Process Outsourcing (BPO) center.

Kabilang sa mga nag-oopisina sa Juanita Bldg ay ang Philippine National Bank branch, isang Nephrology Center, at travel agency.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending