Dennis walang nabiktima ng ghosting, loyal kay Jennylyn: Ayokong makasakit ng tao | Bandera

Dennis walang nabiktima ng ghosting, loyal kay Jennylyn: Ayokong makasakit ng tao

Ervin Santiago - August 05, 2019 - 12:30 AM

WALANG babaeng nabiktima ng “ghosting” ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Ayon sa aktor, kahit daw ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado ay hindi naka-experience nito noong naghiway sila. Wala pa raw siyang naging karelasyon na basta na lang niya iniwan na parang “ghost” o multo.

Nauso ang salitang “ghosting” nang aminin ni Bea Alonzo na hindi talaga sila nag-break ni Gerald Anderson, basta na lang daw siya nitong hindi kinausap hanggang sa bumandera na nga ang chika na may namamagitan na umano sa aktor at kay Julia Barretto.

Sa nakaraang presscon ng pelikulang “Mina-Anud” na ginanap sa 38 Valencia Events Place, Quezon City, natanong ang mga lead stars na sina Dennis at Jerald Napoles tungkol sa “ghosting”.

Inamin ni Dennis na hindi siya aware kung ano ang meaning nito kaya i-pinaliwanag sa kanya ni Jerald. Kaya sagot niya kung na-ghosting na ba niya si Jen, “Ahhhh, hindi pa po. Never ko pa nagawa yun.”

“Parang hindi kasi puwedeng mangyari yun sa isang seryosong relasyon. Para sa akin, hindi puwedeng hindi pa alam na break na pala kayo, na ikaw lang ang nakakaalam.

“Ayoko kasing mangyari iyan sa akin, kaya ayoko ring gawin sa isang tao. Ako kasi ang tao na ayokong nakakasakit ng loob sa isang tao, e, sa kapwa.

“Kaya siguro hindi ko alam yun at ngayon ko lang narinig yung term na yun,” mahabang paliwanag ni Dennis. At mukhang loyal at super in love pa rin naman ang binata kay Jen.

Diretso namang inamin ni Jerald na minsan na niyang na-try ang mag-ghosting sa dati niyang girlfriend kasabay ng paliwanag kung bakit ito nagagawa ng isang lalaki.

“Sa tingin ko, kapag bata ka pa, ewan ko kung ganito rin ang nangyari kay… hindi ko na babanggitin ang pangalan niya, oo, sa katukayo ko.

“Kasi, pag bata ka pa, tapos pag nabaligtad na yung pakiramdam mo at ang desisyon mo sa buhay, at hindi mo alam yung gagawin, parang na-shut down mo na lang.

“Tapos meron ka na lang na ‘bahala na kung magalit siya, lilipas din ‘yan.’ Minsan, may ganu’ng feeling ako,” paliwanag pa ng Kapuso comedian.

Alam niyang may mali sa “ghosting” pero feeling niya nu’ng time na yun, ito ang best way para hindi na niya masaktan pa nang bonggang-bongga ang dating karelasyon.

“I think, ganu’n ang nararamdaman ng nag-ghosting, hindi niya kayang makumpronta yung galit, at kung ano yung ibibigay sa kanya ng bulkan.

“Usually, nangyayari yun sa hindi pa talaga ready sa relasyon o let’s say immature pa sa relationship,” aniya pa.

Pero promise ng aktor, never daw niya itong gagawin sa dyowa niya ngayon, walang iba kundi ang stage actress at komedyanang si Kim Molina na leading lady ni Kit Thompson sa pinag-uusapang iWant digital series na Momol Nights.

Five years na raw sila ni Kim at seryoso sila sa kanilang relasyon.

Samatala, showing na ang “Mina-Anud” sa Aug 21 nationwide na first directorial job ng TV commercial director na si Kerwin Go. Ito rin ang napiling closing film sa Cinemalaya Film Festival 2019 sa Aug. 10.

Ang “Mina-Anud” ay base sa tunay na kuwento na nangyari noong 2009 sa Eastern Samar kung saan natagpuan ng ilang residente roon ang mga inanod na mga bag na may lamang cocaine. Biglang mababago ang takbo ng buhay ng mga tagaroon kabilang na ang mga karakter nina Dennis, Jerald at Matteo Guidicelli dahil sa nasabing droga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa movie sina Matteo Guidicelli, Mara Lopez, Dionne Monsanto, Alvin Anson, Anthony Falcon, Marc Felix, Lou Veloso, Richard Manabat, Elia Ilano, Lui Manansala at Luke Landrigan.

Ito’y mula sa Regal Films at Epic Media. Nanalo na ito sa Basecamp Colour Prize sa 2017 Singapore’s Southeast Asia Film Financing (SAFF) Forum kaya siguradong de-kalibre at napapanahon ang pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending