'Kasal na lang ang kulang kina Ejay at Jana' | Bandera

‘Kasal na lang ang kulang kina Ejay at Jana’

|August 05,2019
facebook
share this

‘Kasal na lang ang kulang kina Ejay at Jana’

- August 05, 2019 - 12:25 AM

Going strong pa rin ang relasyon ni Ejay Falcon sa kanyang girlfriend na si Jana Roxas, ang dating Kapuso star na matagal nang tumigil sa pag-aartista.

Three years nang magdyowa ang dalawa at kasal na lang talaga ang kulang sa kanila. Pero sa ngayon, ine-enjoy lang nila ang kanilang relationship.

Pareho silang produkto ng reality show, si Ejay ay big winner ng PBB Teen Edition Plus ng ABS-CBN noong 2008 habang galing naman sa StarStruck ng GMA si Jana kung saan itinanghal na Ultimate Female and Male Survivor sina Jackie Rice at Marky Cielo (RIP).

Natutuwa ba si Ejay na sa dami ng tao sa Pilipinas ay sila pa ni Jana na galing sa magka-labang TV networks ang pinagtapo ng tadhana?

“Actually, hindi na siya active, e. Paglabas ko ng PBB, nag-stop na siya. 2008 yata,” chika ni Ejay nang makachika ng press sa media launch ng BeauteDerm kung saan isa siya sa walong Star Magic artist na rumampa bilang celebrity endorser.

“Sabi nga, minsan nga magkaibang lengguwahe, magkaibang bansa, magkaibang nationality, may language barrier pa. E, kami, parehas kaming Tagalog, siyempre,” natatawang chika ni Ejay.

Dapat daw sana ay magge-guest si Jana sa Ang Probinsyano pero hindi raw umubra ang schedule dahil nasa

Cebu ang dating aktres. Bakit nga ba parang nawalan ng interes si Jana sa showbiz?

Tugon ni Ejay, “Baka hindi niya nakita yung sarili niya na ganito, or baka, parang okay naman kasi siya ngayon, e. Okay naman siya. I mean baka lang din may darating ang time na may role na maganda, baka i-accept din niya. Depende sa kanya.”

Samantala, nagpasalamat naman si Ejay sa may-ari ng BeauteDerm na si Rhea Tan dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging endorser. Bukod dito, isa na rin siyang negosyante dahil may sarili na siyang stall ng BeauteDerm.

Ang pito pang Star Magic artists na bagong mukha ng BeauteDerm ay sina Alex Castro, Carlo Aquino, Matt Evans, Kitkat, Jane Oineza at Ria Atayde.

q q q

Habang binabasa n’yo ang balitang ito, alam na ng buong universe kung sino ang itinanghal na Big Winner sa naganap na PBB Otso Big Night sa AATF Sports Complex, Malagasang Road, Imus, Cavite.

Naglaban-laban para sa titulong Ultimate Big Winner sina Yamyam Gucong, Kiara Takahashi, Andre Brouillette at Lou Yanong, na nagpakita ng katatagan at determinasyon sa pagsabak nila sa matitinding tasks ni Kuya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Yamyam at ang real life couple (nagkadebelopan sa loob ng Bahay ni Kuya) na sina Lou at Andrei ay kabilang sa second batch ng PBB Otso housemates habang si Kiara ay mula naman sa fourth at final batch.

Ang Ultim8 Big Winner para sa edisyong ito ay magwawagi ng condo unit, travel package worth P300,000 at P2 million pesos in cash.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending