Edward Barber: May tiwala po ako kay Maymay and I also trust Donny
KUNG sila lang ang masusunod, ayaw muna nina Maymay Entrata at Edward Barber na itambal sila sa ibang artista.
Ayon kay Edward, napag-uusapan daw nila ito ni Maymay at pareho sila ng feeling about it, parang hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon sila ng bagong kapareha sa mga susunod nilang project.
“We thought about it. Yung totoo ayaw po namin,” ang diretsong chika ni Edward sa panayam ng Tonight with Boy Abunda.
Dito, napaamin din ang Kapamilya young actor at dating PBB Lucky Season 7 housemate na pareho lang silang jealous type ni Maymay.
Pero aniya, mas “buhos” daw ang love niya kay Maymay kung ikukumpara sa pagmamahal ng dalaga sa kanya, “Ako (mas give na give ang love), at pag nandito siya she would be agreeing with me. Dapat, hopefully.”
Sa tanong kung nagseselos ba siya kay Donny Pangilinan na pilit inili-link ng ilang netizens kay Maymay, “No” ang mabilis na sagot ni Edward.
Actually, natatawa nga raw silang tatlo sa isyu at sa mga nagsi-ship kina Donny at Maymay, “Yung totoo po tumatawa po kaming tatlo. It’s not a big thing for all of us,” depensa ni Edward.
Nagpaliwanag din si Edward sa kumalat na kuwento na nakita sina Maymay at Donny together sa church, “We all go to the same church kasi. Siguro when netizens saw them together, I was there too. Kasi Maymay and I go to church and Donny as well, and usually in the same time.”
Okay lang din sa binata kung mag-hangout man sina Maymay at Donny kahit wala siya, “No worries at all kasi I trust Maymay and I trust Donny.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.