Bea Alonzo in-unfollow na sa Instagram sina Gerald at Julia
TULAD ng inaasahan ng mga fans at social media followers ni Bea Alonzo, nais nang “burahin” ng Kapamilya actress ang anumang koneksyon niya kina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Nag-decide si Bea na i-unfollow na sa Instagram ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald at ang napapabalitang third party sa kanilang break-up na si Julia.
May mga fans kasi na umaasa na maaayos pa nina Bea at Gerald ang kanilang relasyon dahil nga hindi pa raw ina-unfollow ng Kapamilya actress sa IG ang aktor, pero heto’t bumandera na nga ang balita na “deleted” na ang binata sa mga pina-follow ni Bea sa Instagram.
Kaya naman nawalan na rin ng pag-asa ang mga kaibigan at fans ng dalawang Kapamilya stars na magkakabalikan pa sila.
Nagsalita na si Bea sa isang panayam na never silang nagkaroon ng formal break up ni Gerald dahil basta na lang itong nawalang parang bula at hindi na siya kinausap. Hindi pa rin niya binabanggit ang pangalan ni Julia na siyang itinuturong dahilan ng pagloloko ni Gerald.
Pero ayon nga sa kasabihan, action speaks louder than words. At ang pag-unfollow daw niya kay Julia sa IG ayon sa mga netizens ay isa nang malinaw na ebidenya sa isyung ito.
Bago ito, nag-post muna si Bea ng series of cryptic message sa IG na may konek sa pangloloko at katrayduran, isa na rito ang, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”
Samantala, in-unfollow na rin nina Gerald at Julia si Bea sa IG. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon kaya ang paniwala ng madlang pipol, sila na nga tulad ng matagal ng kasabihang, “silence means yes.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.